Chapter [10] She's Back

132 5 7
                                    

Someone's POV 

"Hindi ko alam kung ano yung mga nangyari noong mga nakaraang araw. 
Ang alam ko lang, nakakita ako ng isang babae.... babaeng sunog ang mukha."

"Nakakatakot" 

"Yan lang ang masasabi ko sa nakita ko. Hindi ko alam pero simula noong mga nakaraang linggo. Lagi ko siyang nakikita. Hindi ko alam kung bakit."

"Hanggang sa mga sumunod na araw, habang nakikita ko siyang laging nakasunod sa akin. Patakot ng patakot ang itsura niya at palapit ng palapit rin siya sa akin." 

"Hanggang sa isang araw nakita ko na lang na nasa harapan ko siya."

+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+ 

Sarah's POV

Lumipas ang mga araw na normal naman ang lahat. 

Nagtataka din ako kung bakit minsan ko na lang nakikita si Michelle.

Bakit kaya?

 *Sigh* napabuntong hininga nalang ako. 

Iniisip ko parin kung bakit ginawa yun ni Mandy. Kung bakit niya sinaktan si Aimee ng dahil lang dun.

Masama parin ang tingin sakin nila Aimee. Si Mandy naman laging nakabantay sarado. 

Bigla ng pumasok yung adviser namin at tumahimik kaagad yung mga kaklase ko.\

"Okay class, magkakaroon pala tayo ng isang fieldtrip! Excited na ba kayo?" Pambungad kaagad ng teacher namin. 

Nagsimula na ring mag ingay ulit yung mga kaklase ko. 

"Yipieeeeeeee! May fieldtrip!" 

"Wow! Excited nako!"

"San kaya tayo mag fi-fieldtrip?" 

Napaisip ako. Sasama ba ako? 

Sa buong buhay ko hindi pa ako nakasama ng filedtrip. Maliban nalang nung nasa 3rd grade ako. Pero matapos nun. Di na ako sumama pa.

Wala kasing gustong tumabi sa akin noon. At wala rin akong mga kaibigan.

Puro mga panlalait at pagkamuhi lang ang natanggap ko nung sumama ako. Maging ang teacher namin. Parang walang pake sakin nung bi-nubully ako ng mga kaklase ko habang nasa fieldtrip.

"Hey, Sarah. Sasama ka?" 

"Ah! Hi-hindi ko alam eh." Nagulat naman ako dun.

"Bakit? Mukhang magiging masaya yun!" 

Akmang sasagot na sana ako kaso pinatahimik na kami ng adviser namin. 

"Class, enough muna yan. Ang destination ng fieldtrip natin ay sa Baguio. Mamumulot tayo ng mga strawberries doon at malalaman natin kung paano nila ginagawa ang mga strawberry jam." 

"Huwaaaaaaaaaaaaw~!"

"Ewww ~! Baguio? I've been already there 25th times! Ugh." Sabi ni Aimee.

"Pssh. Ikaw na. Kala mo naman kung sino." Pabulong na sabi ni Mandy pero alam ko na narinig din yun ni Aimee. Kaya tinignan niya ng masama si Mandy.

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon