Ynna's POV
Mag wa-one week nanamin silang classmate, Jusko po. Nakakainis tong Highblood na lalaking leader yata nila. Walang tigil sa pantitrip sakin. Pogi sana sya eh, kaso hinila sya ng ugali nyang kasing panget nya!
At eto pa.. Isa sa kaibigan nya yung nanghold-up sakin nun.
(A/N If ever na di nyo na naaalala ayun yung iinterviewhin nila ang TBC sa university ng TBC. Go back to the chapter 8)
Waaaahhh Kung wala lang kami sa school na Combat Kick ko na yung mga yun. Huhu Ganito kasi yun..
Flashbacks
"Hi?" Napatingin ako sa gilid ko. Sabay lingon sa gilid ko at likod. "pfft. Sayo ako nag hi." natatawang sabi nya. Kunot noo ko syang tinignan "Ano na kakatawa dun?" baliw yata to? ano nakakatawa sa hi? tss
lumapit sakin yung lalaki "Ano nakakatawa? wala naman. Pero alam mo kung anong masaya?" sabi nya habang papalapit ng papalapit mukha nya,
pumikit ako at handa ko na sana sya suntukin pero may naramdaman akong malamig na bagay na naka dikit sa tagiliran ko.
oh noes!
"Hold up to miss." bulong nya sa tenga ko "Oh noes! He-help please." mahina at nanginginig kong sabi, nakita ko sa peripheral vision ko na nag smirk sya.
OMZ, This is it, eto na yata ang katapusan ko.
Unti-unti akong gumalaw para ibigay sana yung gusto nya.. "Wag kang kikilos kung hindi tutuluyan kita." Mahina nyang sinabi.Hindi ako kumilos.. Nagstay ako sa position namin na parang magkayakap.. Sayang sya, Pogi sana kaso ganyan? Tsss.
"Akin na puso mo." sabi ni holdaper. Hala? Puso daw?! waaahhh! mama! Huhu Hindi po ako baboy o saging na pwedr kunin ang bawat parte ng katawan kung gusto mo.
Pano nalang si Rukawa? Si Dennis sa Ghost fighter? Si Tamahome? Pano na sila at ang iba ko pang mga gusto?! Huhu
"Hoy! Sabi ko akin na puso mo! Bat di ka gumagalaw jan?! Gusto mo ba tuluyan na kita?" tanong sakin ni holdaper. Ay walang kwentang holdaper.
"Holdaper ka ba talaga? " ang boplaks eh. Sabi wag kikilos tas nung di ako kumilos magagalit? Tss. "Sa tingin mo? Hahaha Totoo nga yung info na nakuha ni bro. HAHAHA!' tawa nung holdaper.