Ynna's POV
1 week na since naganap yung deal na yun, bukas na bukas na yung gagawin naming interview. Sana maging maayos.
"Matitino naman siguro studyante dun." Lilet habang pinapaikot-ikot ang cellphone nya
"Di natin alam pero sana nga oo." sabi ni diemie habang iniikot ang straw ng juice. "Tiwala guys magagawa natin to." Cathy na nakapatong ang mukha sa dalawa nyang kamay
Nandito kami sa canteen vacant na i mean break. May 10 mins nalang kami. Nakakakaba naman kasi bukas eh.
"Pano yun pag di natin nagawa yung deal? yung 10 commandments ni sir?" alalang tanong ko sakanila. "Goodluck." sabay kibit balikat nila.
"Bat pa kasi tinuloy nyo yung deal eh." sagot ko."Sorry." Sabay nilang sinabi.
napailing nalang ako.
"You guys ready for tomorrow?" napatingin kami sa nagsalita."Not yet.. But we will make it."
"You sure? O' well goodluck anyways." Sabay alis nya. "Ayoko talaga kay sir." inis na sabi ko.
"Im starting to hate him." Cathy
***********
Ok this is the day, eto na this is it!! Araw na ng Pag iinterview. Kaya maaga ako nagising. As in mga 8 am oo maaga na yan saken. 10 ako nagigising eh. Bat ba? kaya naligo na ako.
"Aga mo yata ngayon, nget?" paglabas ko ng kwarto ayan agad salubong saken."pwede ba kuya, aga aga eh." nilagpasan ko si kuya at bumaba.
"Ginawa ko sayo?" tanong nya habang tumatawa. hilig talaga ako pagtripan nito."Good morning manang!" masiglang bati ko. Ngayon nalang ulit ako nakasabay kumain sa umagahan.
"First time makakakain ng pang umagahan yan. hahaha" Di ko nalang pinansin si kuya, Umupo nalang ako.
"eh pano umagahan nya tanghalian na naten. Uso na ang BrUnch ngayon." sabini manang habang kumukuha ng ulam
"Manang naman." sabay tawa nila ni kuya. Grabe.Handa na ang lahat. maaga pa naman, 10 palang. sinabi ko kay kuya na sasabay ako sakanya pupunta syang mall eh. Kaya ayun, punta naman akong national Bibili ako ng notebook para sa pagsusulat mamaya.
"Hoy! ano?! sasabay kaba sakin o maglalaro ka nalang jan?!" sigaw ni kuya sa may pinto na nakakunot noo."Teka lang. Last na lvl na" level up na