Daeva
_____________________________
My 75th life started as normal commoner in a small village. I live in the middle of the forest alone.Akala ko mamumuhay na ako ng payapa sa lugar na yon. Hanggang sa malaman kong kilala ako bilang isang mangkukulam sa aming bayan at kinasusuklaman ako ng mga taga-nayon.
Lumapit ako sa isang ale na nag-titinda ng mga prutas. Puro gulay at tinapay lang nakakain ko araw-araw kaya gusto kong makatikim ng mansanans ngayon.
"Ale, mag-kano po itong mansanas ninyo." Marahang tanong ko habang sinusuri ang napulot na mansanas.
The lady wasn't attentive and keep on writing something on her pad.
"Ale." Tawag ko ulit. Pagod siyang nag-angat ng tingin sa akin habang binigyan ko naman siya ng isang malaking ngiti. Kasabay nang unti-unting pag-awala ng ngiti ko ay ang pag-laki ng mata niya sa gulat nang makita ako.
Nataranta siya at mabilis na tumayo bago tumingin-tingin sa paligid. Wala sa sariling ginawa ko din iyon bago takang binalik ang tingin sa kanya.
"Mangkukulam!" Biglang sigaw niya na nag-pagulat sa akin. Nakuha niya ang atensiyon ng nasa kabilang tindahan at napatingin na din sa akin.
"Ikaw yong mang-kukulam sa gubat! Lumayas ka dito! Malas!" Sigaw pa niya. Ngayon ay nasa amin na ang atensiyon ng lahat at dahil sa hiya ay napatungo ako at napa-atras.
"Mang-kukulam! Umalis ka dito mamamatay tao!" Sigaw ng mga tao at bigla akong pinalibutan.
"Ah" napahawak ako sa aking noo at nakapa ang malagkit na kung ano doon. Narealize kong itlog ang tumama sa akin kaya masakit ang pag-kakabato.
Nag-patuloy ako sa pag-atras nang dumami ang tumatamang itlog sa aking katawan at halos matumba ako ng tumama ang isang mansanas sa aking ulo. Tiningnan ko ang Aleng bumato non na masama ang tingin sa akin.
"Mang-kukulam!" Sigaw ng mga tao.
Mabilis akong tumalikod at napatakbo palayo sa takot na makatanggap pa ng masasakit na hampas sa aking ulo.
Pinasok ko ang gubat at tinahak ang daan papunta sa aking tirahan. Hingal na hingal ako bitbit ang isang basket sa aking kamay. Doon ko lang narealize na hawak ko pa pala ang mansanas sa isa kong kamay. Malungkot akong napangiti sa prutas na hawak bago lumbay na pumasok sa bahay.
Simula noon ay hindi na ako umalis pa ng gubat at nanatili nalang doon kahit gustong-gusto kong tanawin ang bayan. Inisip ko nalang na mas payapa dito sa dilim kahit na mag-isa. Mas ligtas ako dito.
Di nag-tagal ay nasanay akong mag-isa. Natuto akong makuntento sa kung ano ang meron ako. Ayos na lahat at masasabi kong iyon ang pinaka-masayang buhay na naranasan ko. Hindi pa pala. Dahil nang dumating siya, biglang nag-bago ang ikot ng aking mundo. At nalaman kong hindi pa pala ako kuntento.
-"Miss?" Wala sa sarili akong napalingon sa nag-aalalang muka ni Ci-An. Pagod akong ngumiti para hindi siya mag-alala.
"May problema po ba?" Alalang tanong niya. Mabagal akong umiling at ngumiti ulit bago mahinag humugot ng hininga.
"Bababa na po ba kayo? Nakahanda na po ang karwahe." Imporma niya na tinanguan ko. Tinatamad akong tumayo bago lumabas ng kwarto.
Nakasunod lamang si Anne sa aking likod at nakatungo bitbit ang isang baunan na nakabalot sa panibagong panyo.
Nang nasa tapat na kami ng karwahe ay nilingon ko siya. Tila nagiingat ang mga kilos niya at pasimple akong binabantayan. I smiled at her warmly and fix some strands of her hair.
BINABASA MO ANG
Restless Villain
RomanceI have an endless life. Either it's a gift from God or a power, it's not from any of that. Rather, it is a curse. A curse cast upon me for being a very not good person during my first life. It all started with me as a villain, then died and lived a...