CHAPTER 14

931 76 36
                                    

Captain
_____________________________
"Can I customize mine too?" I asked the owner. Nag-pahuli akong lumabas para lang sabihin 'to.

Sa kabila ng glass door, natanaw ko siyang nag-titingin na naman sa mga taong dumadaan.

Tumikhim ang may-ari kaya napa-tingin ulit ako dito. I smiled at him and glanced at the sketch he drew a while ago.

Ang galing nang pag-kakaguhit. Kung makikita ko ito mismo nang gawa na, sigurado akong mas lalong maganda.

Itinuro ko ang papel.

"I want mine similar to this. Same design, same color, but ofcourse for my size and physique."

Tila napipi ang matanda. Sa huli'y mabagal siyang tumango at napalunok na lang.

"We'll be back hmm... after two weeks, I guess? Kahit hindi tapos, gusto ko lang makita ang panimulang gawa," ani ko.

Muli siyang tumango. Tumango rin ako at nag-paalam na bago lumabas.

Agad akong lumapit sa aking kasama na kanina pa nag-hihintay. She looks bored as usual. Her hands were clasped behind her while watching everyone doing their work.

Maliwanag pa rin pero wala ng araw. Sinilip ko ang aking relo at nakitang lampas ala-sais na ng hapon.

I called her name. Lumingon naman siya.

"Did you wait long?" Tanong ko nang makitang pupungay-pungay na ang kanyang mga mata.

I bit my lip as I watch her nod. Hindi manlang nag-dalawang isip. Tumango agad.

"Gusto mo nang umuwi?" tanong ko ulit. Nag-babakasakali.

Tumingala siya sa akin. Akala ko mag-mamatigas pa rin. Para akong nabuhayan nang mag-salita siya.

"Tapos na ba?" Tanong niya.

Ngumuso ako. Kahit mukang gustong-gusto na niyang umuwi, nakuha pa rin niyang mag-tanong. Hindi pa rin talaga nawawala ang ganyang pag-uugali niya.

And there goes my heart again. Beating rapidly like a ran a marathon.

"Tapos na pero... may kailangan akong kuhanin sa library."

Tumingin siya sa sahig. Pumikit-pikit ang mga mata. Pagod na talaga.

"Mabilis lang ba?" Mahinang tanong niya.

I pursed my lips at her question.

"Oum," tumango ako. "Mabilis lang. Tapos pwede na tayong umuwi."

She paused for a moment then nodded.

"Okay."

Lumakad siya at nilampasan ako. Akala ko uuwi na siya at wala nang pake-alam. Not until she called my name. Nagulat pa ako at mabilis na napalingon.

"Inaantok na ako Lorcan. Bilisan na natin," aniya at nag-patuloy na ulit sa pag-lalakad.

My heart thumped heavily again. Mabagal pero malalakas ang bawat pintig ng puso ko. Kagaya sa mga nag-daang araw, ito ulit siya, naguguluhan na naman.

I started following her. Pinanood ko ang pag-sayaw ng kanyang buhok sa likod kada hakbang.

Hindi pa ako sigurado kung bakit ganito ang nararamdaman ko.  Pero kung tutuusin at aking babalikan, simula palang nung una, ganito na. Hindi ko lang pinapansin dahil ayaw kong paniwalaan. Hindi kasi kapani-paniwala.

Pero kung sakali mang sigurado na ako sa nararamdaman ko, paano na? Baka siya naman ang hindi maniwala sa'kin.

*

Restless VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon