Daeva
_____________________________
"Miss! Miss! Kailangan niyo na pong bumangon. Malelate kayo niyan." Nakaramdam ako ng marahang pag-yugyog sa aking braso. Inaantok pa akong nag-mulat ng mata bago pumikit ulit nang hindi mag-tagumpay sa unang subok."Miss kailangan niyo na pong maligo. Sige kayo hindi niyo mapupuntahan si Prince Lorcan sa opisina niya." pabirong pananakot niya na nag-pabangon sa akin ng wala sa oras.
"Lorcan? Sino naman yun?" Pupungas-ungas ko pang tanong.
"Ito talaga si Miss oh. Sabi niyo pa nga po sa akin nung isang linggo. 'Oh my God Ci-An! Feeling ko may gusto na din siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko!'", binago niya ang boses para gayahin ang akin habang umaaktong kinikilig. Ginawa ko din ba yan?
Napamaang nalang ako habang pinapanood siyang mag-paikot ikot sa kwarto, hawak-hawak ang mag-kabilang pisngi. Ginawa ko din siguro yon.
Sino namang Lorcan yan? Boyfriend ni Yvana? Nah. Base sa sinabi ni Anne ako lang ata ang may gusto kuno dito sa lalaking ito.
Bumangon ako para mag-inat. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo dahil sa kulang na tulog.
Lorcan. Lorcan. Napailing nalang ako sa sarili bago dumeretso sa banyo para mag-linis ng katawan.
.........
"Mag-iingat po kayo doon Miss!" paalala ni Anne bago nag-abot ng isang baunan na nakabalot pa sa panyo.
Takang inabot ko iyon bago siya litong tiningnan. Ano to pabaon? I chuckled in disbelief and raise my brow in amusement.
"Para san naman to?" Tanong ko, umaalpas ang isang ngiti. Ibang klase ka Yvana, may paganto ka pa.
"Hindi ba't lagi niyo pong dinadalhan ng pag-kain si Captain?"
"Captain?" Di makapaniwalang tanong ko. May isa pa? Ilan ba ang nagugustuhan nitong si Yvana at bat parang napakadami naman.
"Si Prince Lorcan po." Kahit si Anne ay naguluhan na rin sa dami ng tanong ko araw-araw. Hilaw akong ngumisi sa kanya bago tumango nalang at pumasok sa karwaheng nag-hihintay sa harapan.
Captain and Prince Lorcan. Kung tama ang pag-kakatanda ko, ang Captain na tinukoy niya ay ang lalaking may mapulang mata na nakita ko sa unang araw ko dito. At ang Captain na iyon ay ang sinasabi ring Prince Lorcan ni Anne na 'gusto' ko raw.
I sighed loudly before resting my head on the back rest. Should I act that I like the Captain too? Since I'm in Yvana's body dapat gawin ko rin ang mga ginagawa niya noon.
Napatingin ako sa hawak na baong pag-kain. Wag na. Hindi ko ibibigay sa Captain na yon ang pag-kain na to. Better as well eat it. What I want is a peaceful life and that Captain is a hindrance.
Tingin ko hindi naman gusto ng lalaking yon si Yvana dahil sa masamang tingin na binigay niya sa akin noong unang araw. It's like hitting two birds in one stone. Tama. Starting today, I'm cutting my ties with him. Bahala na siya sa buhay niya tutal ay pareho naman kami ng gusto. Ang hindi makonek sa isat-isa.
Captain
_____________________________
"I heard your fiance passed out." Nanatiling seryoso ang aking muka bago inangat yon sa bintana kung saan nakaupo ang aking kapatid.
BINABASA MO ANG
Restless Villain
RomanceI have an endless life. Either it's a gift from God or a power, it's not from any of that. Rather, it is a curse. A curse cast upon me for being a very not good person during my first life. It all started with me as a villain, then died and lived a...