CHAPTER 1

1.4K 111 22
                                    

Daeva

I woke up with a heavy head. Gusto ko pang matulog pero kumakalam na ang sikmura ko. Ilang oras ba akong nakatulog.

The door suddenly opened and a worried Ci-An entered.

"Sa wakas nagising na kayo Miss."

"Why? Anong oras na ba?" Inaantok kong tanong.

"Tanghali na po. Sayang at hindi niyo nakasabay kumain ang Hari. Hinanap niya po kayo kanina sa hapag." I wanted to raise my brows badly. So naa-alala pa pala ako ng ama-amahan kong iyon?

"Aish ang sakit ng ulo ko," reklamo ko at sinabunutan ang sarili. "Ilang oras ba akong nakatulog?" Tanong ko sa nakamasid na babae.

Bumalik ang pag-aalala sa kanyang muka at ngumuso. "You slept for two whole days, Princess. I thought you were sick but the palace doctor said you're just fine."

I laughed at her statement making her pout. "Wala naman talaga akong sakit," ani ko at muling tumawa.

Bumangon ako at nag-banat ng braso. My left arm is numb for sleeping too long.

"Where are the other maids?" I asked. Nilingon niya ako habang nag-aayos ng aking tinulugan.

"Nasa baba po, Miss. May iuutos po ba kayo? Patapos na po ako rito."

"No, no. Tapusin mo nalang muna yan at bababa na ako." Alanganin siyang tumango bago ipinag-patuloy ang ginagawa.

Pag-kalabas ko palang ng kwarto, nag-palinga linga na ang aking ulo para mag-hanap ng ibang tagapag-silbi.

I got curious why they didn't welcome me when I got home. O ganun talaga dito? I don't think so. Gusto kong makita ng harap-harapan ang ilang babaeng tagapag-silbi. If I am right, sila ang narinig kong nag-tatawanan sa kusina noong nakaraang araw.

I heard the same laugh I heard yesterday when I got down the stairs. Galing sa kusina ang tawanan at usapan ng mga ito.

I didn't know maids here live like this. Nung mga panahong isa akong tagapag-silbi, mahigpit ang mga pinag-sisilbihan namin at lagi kaming paparusahan tuwing mahuhuling walang ginagawa. Depende ba sa namumuno yon?

The laughter got louder as I near the kitchen door.

"I heard the Princess was sick." Natigil ako sa pag-hakbang nang marinig ang pangalan.

"Hala hayaan mo siya."

"Wala namang mapapala ang hari sa anak niyang yon, bakit ba masyadong pinapaboran," sabi ng isa pang boses. Apat silang nag-tawanan sa loob.

"Mahina pa ang babaeng yon. Ni hindi nga makasagot sa akin tuwing kinakausap ko."

"Walang ibang ginawa kundi mag-habol ng lalaki eh hindi naman siya gusto."

"Hindi din naman kagandahan. Mas maganda pa ako hay."

"Imposible naman talagang may mag-kagusto sa lampang yon. Kung baliktad kami ng posisyon, hindi ko siya palalamunin at hayaan nalang na mamatay tutal wala naman siyang silbi."

Tumaas ang aking kilay bago nag-patuloy sa pag-lakad. So this is your life, Yvana. Poor you for becoming weak.

I smirked and glanced at the large vase near the entrance of the kitchen then back to them enjoying their life while laughing.

Restless VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon