CHAPTER 15

852 74 12
                                    

Leus
_____________________________
They're here.

Ibinaba ko ang kurtina. Lumingon sa gawi ko si Eva at taka akong tiningnan.

"Bakit?"

I marched towards her and pushed her towards the kitchen door. Muli kong sinilip ang maliit na siwang upang makita ang labas.

I saw my father and the people of the town outside our house. Some were holding big forks and torches. Nag-pupulong pulong pa sila.

I thought he'll help us?

Nag-patuloy ako sa pag-tulak sa kanya at binuksan ang pinto sa likod.

"Dito ka na dumaan. Papunta ito sa gubat. Wag kang babalik sa bahay mo," I said seriously.

"Anong problema mo? Kakadating pa lang natin dito, pagod na ang paa ko kaka-takbo-," reklamo niyang naputol nang makarinig kami ng sigaw mula sa labas.

"Leo! Ilabas mo ang makukulam na yan!"

Sabay kaming natigilan. Nalintikan na. She saw my serious face making her mirror my expresion.

I pushed her again.

"Susunod ako." she wanted to disapproved but we heard footsteps coming.

"GO!" I shouted angrily at her slow moves. Wala siyang nagawa kundi ang tumakbo. I quickly turned around and faced the people and my father.

Ang parehong kamay ko ay kumapit sa mag-kabilang gilid ng pinto para pigilan silang makasunod.

"Anong ginagawa mo Leo?! Bakit tinu-tulungan mo pa ang salot na 'yon?!" matigas at galit na tanong ng isa sa mga matatanda dito sa lugar.

Umiling ako. Dismayado sa kanila lalo na sa sarili kong ama.

"Nakaka-layo na ang mang-kululam Mario!" Tukoy ng isang karpintero para sa ama ako.

They all looked behind me. Alam kong tanaw pa nila si Eva.

Ang likod nitong bakery ay palayan bago pa ang gubat.

Someone tried to pass me but I kicked his stomach. Doon na nag-kagulo.

Nag-tulong tulong sila para maalis ako sa harang. I used all my strength to stop them. Naka-amoy ako ng usok.

Nang tingnan ko ang bukana ng bakery shop ay may umaapoy na doon. My grip loosened at what I saw. Muli kong itinindig ng pirmi ang aking braso sa hamba ng pinto.

I know I can't take them all at once. I just need time for Eva to escape.

Naubo ako ng may sumugod at sinuntok ang tiyan ko. Nanginig ang aking braso. Mas nang-hihina pa ako dahil sa kumalat na usok. At tingin ko hindi lang ako. Kaya mas lalong gusto nilang lumabas at alisin ako dito ay dahil hindi na rin nila kaya pa ang init at usok sa loob.

Sa huli'y isang tulak lang sa akin ay natumba agad ako. I coughed after sniffing the smoke.

"Ah," I groaned when they all run outside, ignoring my state and even stepping on me just to get out.

Pag-katapos ng ilang araw na pag-tatago namin mula sa mga taga-baryo, hanggang dito nalang ang kaya ko.

I don't want to die yet, yet I'm at ease thinking that Eva's already far away. Ayos na siguro 'yon.

Mapakla akong ngumiti at pumikit nalang. Ofcourse no one will help me here. No one will dare to help the commoner who helped the so called witch in the town.

Restless VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon