EPILOGUE

1.9K 78 19
                                    


"Hello, mom, dad! It's been nine months and I'm already home!" Naluluhang hinaplos ko ang mga lapida nila. "I'm home to tell you that I already accepted myself that both of you are gone. I am sorry that I didn't visit you these past few days, weeks and months because Vonn Blake and I stayed, the whole nine months inside the cruise ship. And—"

Tumingin ako sa harapan ko saka napangiti nang makita ko siyang sinisindihan ang dalawang kandila. "He stayed beside me. He helped me when I was in depressed." Napatingin si Vonn sa akin saka masuyong napangiti. "And now... Vonn and I were already engaged."

Napatingin ako sa singsing sa kamay ko. Kumikinang iyon sa tuwing nasisikatan ng araw. "Ang bilis diba?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa mga lapida nila. "Eh sa sabi nga niya na hindi niya ako kayang pakawalan, syempre hindi ko rin po siya kayang pakawalan." Suminghot ako.

Napatingin ako sa kamay ko nang hinawakan iyon ng fiance ko. Tumingin siya sa mga lapida ng mga magulang ko saka ngumiti. "Don't worry too much about your daughter po. I can take care of her for the rest of my life. Now that I planned to stay with her for the rest of my life and I've resigned as a captain to be near with her."

"Bukas na bukas po ay mag-aaral ako about businesses at pangako po na aalagaan at mamahalin ko siya dahil mahal ko po ang anak niyo. Maraming salamat dahil kung hindi dahil sainyo, walang Empress sa mundong ito at kung hindi rin dahil sa inyo ay hindi kami magkikita. At huwag din po kayong mag-alala, gusto siya ng mga pamilya at kaibigan ko para sa akin, lalong-lalo na po ang mga magulang ko."

After our stay inside the cemetery, we came back inside the Hutton's house. But my fiance, Vinn and their dad went to the office to help Vonn about businesses.

We were on our dinner, when Vonn's mom spoke. Naandoon parin iyong hiya ko sa pamilya niya, pero hindi ako nahihiya kay Vonn at Vinn, dahil fiance ko si Vonn at si Vinn naman ay hiniwalayan ang kaibigan kong si Carrie.

Nalaman ko iyon last 5 months ago when Carrie and I video called. Carrie cried during our video call, ramdam ko iyong sakit na nararamdaman niya, at hindi ko mapapatawad si Vinn hangga't hindi nakakamove-on ang kaibigan ko. 

Kakadarating lang namin kahapon dito. At ang hindi ko inaasahan ay noong pagkarating namin dito sa loob ng mansion ay sinalubong kami ng fiance ko ng welcome home party, Ang mga pamilyang Fortez, Vergara, Gal Valde, at Hutton, bale kompleto silang lahat.

Nahihiya nga ako kasi ang dami nila pero nababawasan ang hiya ko dahil napakafriendly nilang lahat. Swerte ng mga pamilyang ito, iyon ang napansin ko.

"Empress,"

"Po?" Napatingin ako sa nanay ni Vonn nang magsalita siya.

Tumusok muna siya ng pork bago tumingin sa akin. "Okay lang ba sa iyo na mababa muna ang sahod ni Vonn, hindi gaya ng dati na sa barko siya nagtratrabaho?"

Uminom muna ako ng tubig bago ngumiti sakanya. "Wala pong kaso sa akin iyon," Beil, tita and Brylle nodded. "Actually, napag-usapan na namin po iyon ni Vonn at sinabi ko pong kahit simpleng buhay man lang o hindi, basta masaya po kami para sa isa't-isa." Naalala ko na naman ang mga magulang ko.

Ngumiti si tita. "That's good. Kailan niyo gustong magpakasal?"

Naiilang nga naman ako kasi nakatingin silang mga tatlong babae sa akin. "Uhmm, hindi pa po namin iyon pinag-uusapan, but I want it as soon as possible po."

"Okay... About your parents," natahimik ako. "Vonn told us everything about what happened to you..." Kinakabahan akong napatingin sakanya. "We also knew that you're lack of your parents' love...then we'll tell you that you can also lean on me and my husband. And stop calling me tita call me mom. Also call my husband your dad...since buto kami sa iyo para sa anak namin."

Vonn Blake Hutton (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon