CHAPTER 6

1.4K 75 6
                                    

|TIME SKIP • 11 YEARS LATER|

"Kali! You freaking idiot!" Sigaw ko nang makitang nawawala ang notebook na sinulatan ko ng notes tungkol sa bagong apple of the eye ko this school year.

I started calling him Kali since 9 years ago. He really teased me big time back then.

"Brandon Collin, team captain of men's volleyball team that's entering the finals this year. Whoa! You sure dream big! HAHAHAHA!" Halakhak niya pa. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang simulan akong asarin ng mga kaklase ko.

"Shut up, guys!" Sabi ng kaklase kong babaeng si Hail. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "You? Are you serious, Loraine? Brandon will never even look at you, you know? You're too young for him. I heard from the rumors that he prefers mature ramp models with both body and beauty." Sabi niya saka pinagmayabang ang kaniyang figure at mukha. Nanliit naman ang mata ko saka siya tiningnan. May katawan nga siya...

So what?

"Hail, stop bothering my Loraine. If you wish to finish school peacefully that is." Makahulugang banta ni Khalil. Kapansin-pansin naman ang pagkawala ng buhay sa mukha ni Hail saka humingi ng paumanhin sa akin at umalis.

Inirapan ko si Kali. "You shouldn't have interfered. I can take care of myself." Iritadong sabi ko.

"You're welcome, your highness." Nang-aasar na sabi niya. "Pero ang ganda nga ng curve niya, sexy!--- Aww!" Daing niya ng batuhin ko siya ng bag niya.

"Isusumbong kita kay Olivia, sige ka!" Pananakot ko sa kanya. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon niya from evil grin to innocent smile. Mapagpanggap!

Looks like bigo akong mailayo ang kanyang pagsinta sa aking maganda at maamong kapatid. For the past years, buong school na ang may alam ng pagkahumaling ni Khalil kay Olivia. Pano ba naman, lahat ng lalaking nag-aattempt na manligaw sa kanya ay tinatakot niya. And well, for the same purpose, tinutulungan ko Khalil na harangan ang lahat ng lalaking magkaka-interes sa kapatid ko.

Olivia is far too precious and innocent for the likes of them.

Magkasabay kaming lumabas ng room ni Kali at pumunta sa cafeteria. As usual, kaunti na ang mga tao rito dahil tapos na ang lunch ng ibang classes. Sa ibang oras kasi kami nadidismiss.

I started eating as well as Kali. Kung dayo siguro sa school ang makakakita sa aming dalawa, hindi na ako nagtataka kung iisipin nilang magboyfriend kami ni Kali. Unfortunately, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at nakababatang kapatid naman ang turing niya sa akin.

"Hey, witch. Can I see my baby Olivia this lunch? May long quiz tayo sa trigonometry mamaya, kailangan ko ng inspiration."  Nagpapacute niyang sabi. Inirapan ko lang siya.

"You already saw her yesterday. Magtiyaga ka nalang muna sa mukha ko ngayon. May klase pa si Olivia." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. Napasimangot naman siya.

"Sawa na ko sa mukha mo, witch. I need my baby." Naiiyak na sabi niya. Inirapan ko naman siya at automatic siyang umayos.

.............................................................................................

"How's your classes?" Mommy asked after I kissed her cheeks.

"As usual." Maikling sagot ko.

"Mom, you won't believe it. I've beaten Carter in Statistics! Gosh, I'm so not going to forget this day!" Proud na sabi ni Harper.

"Tsh, noisy." Iritadong sabi ni Carter at nauna na sa loob.

Crazy In Love With The Male Lead - ON HOLDWhere stories live. Discover now