CHAPTER 13

1.2K 71 0
                                    

"JUSKO, MA'AM Loraine. Bakit ka bumaba? Pwede namang tawagin mo nalang kami kung ganyang iinom kalang pala ng tubig!" Sermon sa akin ni Ate Betty nang muntik na akong matumba habang papalapit sa kitchen. Nanghihinang tumawa lang ako.

"Ayoko nang magpahinga, Ate Betty. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako sa kama, mas lalo lang akong lalagnatin." Sabi ko saka sumimsim ng tubig. Ampait.

"Ramdam ko ang init ng katawan mo kahit hindi kita hawakan oh. Ganyan ka ba talaga magkasakit?" Nag-aalalang sabi niya. Napangiti naman ako ng kaunti. Isa na sa dahilan kung bakit ayaw kong nagkakasakit.

Bihira lang naman ako magkasakit. Pero sa tuwing mangyayari iyon ay malala talaga. Minimum ng tatlong araw palagi. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon pero ganon din daw si Daddy kapag nagkakasakit. Sa kanya ko daw iyon namana.

"Ate Betty, umuwi ba si Lucas kanina?" Tanong ko. Hindi ko kasi sigurado kung totoong pinuntahan ako ni Lucas sa kwarto ko. It could only be a hallucination or something. And besides, I don't think he would really do it. He also checked my temperature if I remember it correctly.

Ate Betty just giggled like a teenager. "Ma'am, ang sweet sa inyo ni ser Lucas! Kauuwi lang ni ser nung sinabi ni Manang ang lagay niyo. Dumiretso agad iyon sa kwarto niyo para i-check ang temperature niyo!" Kinikilig na sabi niya. Napabuntong-hininga lang ako. So it's true, not a hallucination.

"Ganun ba?" Sabi ko at iniwasan ang nanunuksong tingin ni Ate Betty. Umalis ako sa pagkakasandal sa sink nang matapos na akong uminom ng tubig. Bahagya pa akong nahilo at napakapit sa balikat ni Ate Betty. Nag-aalalang umalalay naman siya sa akin.

"Jusko Ma'am, sigurado po ba kayong hindi kayo magpapahinga?" Nag-aalalang tanong niya. Natawa lang ako ng mahina.

"Kaya ko na, Ate Betty. May pagkain ba diyan? I didn't eat breakfast, Ate." Sabi ko nang magreklamo na ang tiyan ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate Betty.

"Susmaryosep kang bata ka! Kaya ka nagkakasakit! Bakit hindi ka nagsasabi?" Panenermon niya. Nagpacute nalang ako sa kanya habang naglalakad kami papuntang dining room. "Siya sige at ipaghahanda kita. Samahan mo nalang si ser. Nagtatanghalian na siya ngayon." Kinikilig niyang sabi. Muntik nang parang gusto kong umatras dahil sa sinabi niya. Pero dahil kita sa mata niya ang pag-aalala sa akin at ang excitement na makasabay kong kumain si Lucas ay tila umurong ang lakas ng loob at dila ko.

At isa pa, may sakit ako! Kung hindi hawak ni Ate Betty ang isa kong braso, baka matumba nalang ako bigla. And besides, I think I have something to say to him--- more like--- to discuss with him.

"Oh, ser." Naiangat ko ang paningin ko nang batiin ni Ate Betty si Lucas. Iniangat ni Lucas ang paningin niya sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

Umupo ako sa silyang nasa harap niya.

"Hey," tipid na bati niya.

Hey?

Wow. Pagkatapos ng ilang araw na itinrato niya akong hindi nag-eexist. Naghe-hey na siya ngayon? May milagro bang nangyari habang natutulog ako?

Bumuntong-hininga ako. "Hey," walang gana kong bati pabalik saka tinanggap ang pagkaing inabot sa akin ni Ate Betty. Tahimik naman siyang umalis. Nagsimula na akong kumain

"You're still pale." Pagbabasag ni Lucas sa katahimikan.

'Malamang! May sakit nga eh!'

Crazy In Love With The Male Lead - ON HOLDWhere stories live. Discover now