Rivals......inlove............

1.6K 49 52
                                    

          “Congratulation Chelsea, you deserve it.”, masayang bati ng Candy kaklase ko.

          “Oo nga girl, kahit 0.5 lang lamang mo carry pa rin” second the motion naman ni Kate

          “Officially nasa sa iyo na ang korona ng pagiging valedictorian” Roxan.

          “Hoy gaga medal ang matatanggap ng valedictorian hindi korona” Jane.

          Nagtawanan lamang sila sa huling sinabi ni Jane.

          Sa lahat ng pagbati na natanggap ko ngayon ay puro ngiti lang ang iginanti ko pero deep inside ay sobrang saya ko.

          Ako nga pala si Chelsea Smith, 16 years old, fourth year student. Simple lang hindi maganda (pero sabi ng mama ko maganda daw ako) pero hindi naman pangit. Walang ibang hobby kung hindi mag-aral pero hindi ako nerd ha, mahilig lang talaga magbasa.

          Kung bakit inulan ako ng pagbati ngayon? Kasi ngayon pinost yung final ranking for the graduation three weeks from now. I worked hard for this and I know I deserved this more than Him.

          Curious kayo noh kung sino yang him na yan. Siya si John Landon Chan. Siya ang mahigpit kong karibal since grade 1 kami.

Oo since grade 1, so ang rivalry namin ay 10 years na at take note huh siya ang naging valedictorian nung elementary pa kami.

Aaminin ko na bumababa ang self-esteem ko dahil sa kanya, pero ng dumating na kami sa highschool ay isinumpa ko na mahihigitan ko siya. Hindi man sa pagiging famous (eh sikat yan eh, miyembro ng varsity team at take note captain pa at kasali din siya sa isang banda) eh di siya na talaga ang pogi at sikat. , kahit man lang academically ay lamang ako sa kanya bwahahahaha. Joke lang yung pogi siya, yabang nun eh.

Asar talaga ako sa kanya since nung grade 5 na kami, mabait naman siya sa akin nung una pero nung lumaki na siya at tumangkad ay lumaki din ang ulo nya. Palibhasa ang dami kasing nagpapapansin sa kanya.

Palagi na lang nya akong inaasar porke wala daw akong laman puro daw ako buto at kung may malakas daw na hangin ay tiyak na liliparin ako.

Kung kayo ang sasabihan nyan matutuwa ba kayo?

And speaking of the devil papalapit na siya sa akin ngayon. Ang lapad ng ngiti ng bruho na ipinagtaka ko.

Teka! ang inexpect ko ay isang naiinis na JL (palayaw nya yan na pero tawag ko sa kanya ay JLo para kahit man lang makapang-asar ng kunti ako sa kanya).

          Bago pa man siya nakalapit sa akin ay naharang na siya ng mga froglets (babaeng fan ni JLo) at nilalandi.

Oo tama kayo madami ng malandi dito sa school naming at yan ay isinisisi ko kay JLo.

“JL congrats, ang galing mo. Kahit salutatorian ka lang para sa amin ikaw pa rin ang the best” pacute na sabi ni froglet 1.

“Oo nga JL for all we know pinagbigyan mo lang yung naging valedictorian nyo eh super duper gentleman ka eh”, sabat naman ni Froglet 2 sabay himas pa sa barso ni JL.

Jusko bigyan nyo po ako ng 5 km. na pasensya ngayon para hindi ako makapangalbo ng mga palaka.

“Pinagbigyan lang daw ako? Teka, siya ang hindi ko pagbibigyan”

Lalapit na sana ako sa mga palaka nang narinig ko na magsalita ang hari ng mga palaka, este si JL pala.

“Hindi ko siya pinagbigyan magaling talaga si Chels”

Napasmirk na lang ako sa narinig ko pero deep inside ay natuwa ako ng kaunti sa sinabi nya.

Pero napalis ang gamunggong tuwa na naramdaman ko ng marinig ang dagdag na sabi ni JL.

Rivals......inlove............Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon