Chapter 10

78 12 3
                                    

Chapter 10: Baler

Bhea's

"Here, thank you for answering my question earlier. Nakikinig ka pala." Biglang inilapag ng speaker kanina ang dalawang branded na cold brew coffee'ng nakabote sa pagitan namin ni Amox. Hindi niya tinitignan ang iba sa mesa kaya't alam ko kaagad na si Amox ang ipinunta niya rito.

"You know that I'm listening,"si Amox na walang expresyon ang mukha.

"Of course, I know! I was just somewhat excited to see you here, and by the fact that you're listening to my topic. Such a cliche topic when in fact; it's you whom I lost my—"

"Good to see you too, Aes." Lost what? Tama ba ang iniisip ko o ma-issue lang talaga ako at mapang husga na assumera?

Pero kung iisipin nga naman... Ms.Carpenteri is from Milan,Italy... Hindi kaya?

"Anyway... Can you behave next time and listen to the speaker, Iya?" singit at pangmamata niyang sabi kay Iya. Iya smiled dearly, "We were listening. We just talked about the topic."

"While I was talking right in front of the stage. That's rude."

Teka— magkakilala rin sila? Sino ba'ng tao ang hindi kilala ni Iya? P'wede na siyang tumakbo bilang kagawad ng bayan!

"I'm sorry for what happened earlier. I didn't mean to be rude."

"Tss. I'll go now.  'Llin you can just DM me on IG. So we can catch up."

'Llin? short ng Amoxicillin? Pet name basis tayo rito?

Tumalikod at lumakad siya paalis nang wala nang lingon-lingon pa. Sinundan namin siya ng tingin p'wera kay Amox na patay malisya.

"Ex mo ang pinsan ko?" entrada muli ni Iya nang nakalayo 'yong speaker. Tumango si Amox nang walang pag-aalinlangan.

"Oh... And so it didn't work out. If nag-work out baka soon second cousin pa kita. Small world nga naman."

"Impossible. Your cousin doesn't like to be married."

"Then, no wonder. Pinsan ko nga talaga ang ex mo." Kaniya-kaniyang sipol at tawanan ang narinig dahil sa sinabi ni Iya.

Ito talagang loka-loka na'to! Baka mamaya ma-offend si Amox!

"Kumain na nga lang tayo," udyok ko na para matapos na kami rito. Pagtapos nito, uuwi na rin naman ako sa dorm dahil gagawin ko ang iba pang pending na task at may kaonting plates pa kami. Tapos, mag-shi-shift ako ulit dahil ito namang araw na ito ang regular schedule ko.

Hindi na uso ang pahinga sa akin sa unang sem ng college. Buti na lang may pa-kape si Amox. Medyo nagigising ang diwa kong tila ba namatay sa puyat kagabi.

Pahapyaw kong tinignan si Amox sa gilid ng mata ko. Nakakunot niyang pinagmamasdan ang plato ko na halos hindi ko maubos dahil nabubusog ako sa kapeng binigay niya. Iba ang tapang, dzai! Naninipa at nakakapalpitate! Parang si Amox— nakakapalpitate. Char.

"Oh my gosh! Oh my gosh!" out of nowhere na impit na tili ni Vellardez habang hawak ang kaniyang cellphone at napatayo pa nang kaunti.

"Oh? Napapano ka?" singhal ko.

"Vellardez Airlines are having promo tickets to Boracay. We can fly there for as low as 1K all in! Let's go?"

"Vellardez Airlines? Ka-apelyido mo pa, ah? Small world nga naman" si Migs na ginagaya ang litanya ni Iya kanina.

"Migs, Lolo niya ang may ari no'n!" bulong ni Iya kay Migs na nasa harap ko lang.

"Gano'n sila kayaman? Bakit sila nandito nila Amox sa Westlerian kung gano'n sila kayaman?"

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon