Prologue: One Last Night
Engineer Bheanna Afidahrielle Reyez
Masakit na ulo at katawan ang una kong napuna nang nagising sa mahaba pero 'di komportableng tulog. Grind, I have to grind. Trabaho na naman kahit day-off dahil marami akong trabahong kailangang gawin. Check the blueprints, plan projects, contact my team members, check my email and so much more. Basically, work from home. O mas simpleng sabihin na— walang pahinga, kahit sa bahay. The only good thing is that I don't need to see my 'stressor' for this day.
Napahinga na lang ako ng malalim nang naisip ko iyon marahil kahit pagod at na-stre-stress ay na-e-enjoy ko naman ang aking ginagawa kahit araw-araw kong kabangayan ang mas nakakataas sa aking kasama sa trabaho. Pinangarap ko ito, eh. At eto na ako ngayon. Sa likod nang lahat ng aking dinanas ay nakamit ko 'rin ang pangarap na maging engineer, sa wakas.
Bumangon ako sa kama at nag-inat-inat. Sinigurado ko rin na walang kahit ano sa aking mukha bago ako bumangon nang tuluyan upang ligpitin ang aking kama. Sa aking side table ay nando'n ang aking cellphone na late nang nag-alarm.
Alas sais na nang gabi. Tatlong oras akong nakatulog matapos kong mag-grocery kanina para sa stocks dito sa bahay. Medyo maliwanag pa sa labas kaya't kahit walang ilaw ay maayos ko pa rin na nakikita ang lagay ng paligid ko.
Pinatigil ko ang alarm ng cellphone at do'n ko nakita ang dalawang picture frame na nakalagay sa aking side table. Sa unang frame ay ang anim na babaeng nakangiti at nag-aasaran. Inayos ko iyon at kinuha ang isa pang frame kung saan ando'n ako, ang aking ina at isang lalaki. I sighed again, as I placed the frame back in its place.
Minasdan ko ang aking paligid habang bumababa na ang araw. Mayroon na akong sariling bahay. Ang aking silid ay may kalakihan at minimal lang ang ayos. May dalawang halaman din na nasa loob ng aking kwarto sa magka salungat na gilid. Light brown, dark green at pastel white ang theme na napili ko para rito.
I smiled a little as I imagine this empty room filled with laughter. People I love, are with me, here, celebrating my milestones in life. But... even if I try so hard to imagine, nothing can change the fact that I am alone.
Kasing sama ng nararamdaman ng katawan ko ang mga bagay na tumatakbo sa aking isip. Kasabay nang paglubog ng araw ang paglamlam ng aking mga mata. Kung bakit ba kasi kailangan kong masaksihan muli ang paglubog ng araw at ang pagtaas ng buwan. Mag gagabi na... Isa sa pinaka ayaw kong nangyayari sa araw na lilipas. Kasi didilim na muli. Maramdaman ko na naman ang gabing malamig at walang makakapitan. Makikita ko ulit ang buwan na nananatili sa dati niyang puwesto kahit marami na ang taong nagdaan paalis sa buhay ko.
Habang ang iba'y nag-e-enjoy sa natatanaw sa mga oras na ito, ako nama'y hindi maipinta ang mukha at mas lalo lang lumukot ang itsura nang nabalik ako sa aking wisyo. Nakakatatlong ring na ang cellphone ko dahil sa incoming call na natanggap. Speaking of my 'stressors' in life... the other one's calling me back to reality and to stop my negative monologue dilemma.
Eng.Maximoff Calling...
Napapalatak na lang ako at napangiwi. Sabado ngayon, at napagkasunduan naming hindi niya ako p'wedeng tawagan tuwing day-off ko. Pinaghintay ko pa nang dalawang ring ang tumatawag bago ko ito bagot na sinagot, "Yes? Engineer Reyez speaking," As soon as I stopped talking I heard him hissed.
Tumayo na ako para kalabitin ang mga switch ng ilaw para lumiwanag na muli sa paligid. I just really hate the idea of dusk; more likely of darkness. It makes me feel so empty and solitary.
"Why the fuck did it take so long for you to fucking answer? For fucks sake, Engineer Reyez!" Aba't?! Gago 'to, ah! Porque ba siya ang head engineer ay gaganyanin niya ako?! Humanda ka sa'kin, piste'ng buang ka.
BINABASA MO ANG
The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1
RomanceStatus: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from a prominent medical family in Boston, took a journey to the Philippines to partake in a pre-med course and work hard to make his father pro...