Chapter 29

87 7 2
                                    

Chapter 29: Ring

Bhea's

"Engineer, the project has been approved by Engineer Karos Maximoff. We'll soon have a meeting with the CEO of the company this weekend," balita sa'kin ng isang co-engineer na parte ng team ko nang madaanan ako nitong nag-aayos ng gamit sa aking opisina. Nakabukas kasi ang pinto ko dahil kaalis lang ng isa pang co-engineer matapos ang meeting session kanina patungkol sa project na hi-na-handle namin sa Mandaluyong.

"Yes, thank you. I'll take note of that."

I zipped my Hermes bag as I was already satisfied with the current state of my personal belongings. Gaya nang dati, I opt to buy second-hand things, o Class A. Mas rational iyon sa akin hanggang ngayon.

Akala ko ay aalis na ito matapos kong sumagot sakaniya pero nakuha niya pang sumandal sa bisagra ng pinto ng opisina ko para patuloy na magtanong, "Didiretso na po ba kayo ngayon sa field?"

"Oo. Pinapatawag na ako ni Kyroz."

"Naku! Si sir talaga, ayaw na ayaw na nawawala kayo sa paningin niya."

Agad kumunot ang noo ko nang dahil do'n. Anong kahibangan ba ang lumalabas sa mga bibig ng mga taong ito? Ilang taon na rin pero nakakarindi talaga sa tuwing ito ang isasawsaw nila sa usapan— gayong hindi ito appropriate na pag-usapan.

"Huwag kang malisyosa, Lara. Head Engineer siya ng mga project na hawak na'tin. Work acquaintances tayong lahat dito," pagtatama ko kaagad sakaniya gaya nang madalas kong gawin sa ibang mga katrabaho naming mga malisyosa rin.

Pero hindi gaya nang iba, hindi agad natinag si Lara. Pumitik pa siya gamit ang daliri at hindi makapaniwala akong binalingan, "Hala, Engineer Reyez! Grabe sa work acquaintances? Hindi man lang 'friends'?"

Umiling ako kaagad. Dahil hindi talaga kami magkaibigan ni Kyroz. 5 years after that graduation night, I have accepted to learn further with the help of Mr. and Mrs. Maximoff. Sina engineer ang kumuha sa'min ni Savi kahit habang nag-aaral kami para sa masterals namin. Pumasok kaming Entry Level Engineer sa loob nang dalawang taon. Dahil may mga ilang gawaing pinapagawa sa'min habang nasa M.E.C'y sume-sweldo rin kami kahit papaano. Masasabi kong hindi talaga kami pinabayaan at hindi na kami pinakawalan ng M.E.C simula no'n. Pati si Letran ay sa M.E.C na rin pumasok dahil inalok din ito. Nang matapos sa Masterals at maipasa ang Board Exam ay sinabak kami kaagad upang patunayan ang mga sarili. Apat kami nina Savi, Letran at Kyroz na napunta sa isang team kung saan Chief Engineering Officer ang Papa ni Kyroz.

Dalawang taon kaming under sa team na iyon at masasabi ko talagang ibang klase'ng experience na mapabilang sa mga engineering staff ni Engineer Karos. Para siyang tatay kung mag-handle ng team. Istrikto pero matututo ka talaga nang tutuo. Minsan nga ay nami-miss ko ang Papang sakaniya...

After two years, the company decided to promote the best-performing engineers. Ms. Kyrem was promoted to Head Engineer, and under her was Savi. And interestingly, Letran became the Engineering manager under Engineer Karos.

Samantalang hindi na ako nagtaka na napili si Kyroz at na-promote bilang Head Engineer ng isa pa sa bagong team na gagawin ng kompanya. Ang kinagulat ko lang ay pinili ako ni Engineer Karos upang mapabilang sa team na iyon. He chose me to be Kyroz's Engineering Manager kaya kami na ang magkasama sa mga susunod na mga proyektong ina-sign sa amin kasama ang ibang co-engineers na kabilang si Lara. Kaya nga heto at kahit pangatlong taon ko na bilang Engineer ay halos kami pa rin ang magkadikit.

Can't be helped, we're work acquaintances and nothing more. Madalas lang talagang malisyoso ang mga tao sa piligid at tuwang-tuwa sila kapag nakakagawa ng sariling tyorya na walang ka-k'wenta-k'wenta.


The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon