Chapter 13: Curie
Bhea's
"Bhea, pakilinis naman 'yung doon sa katabing table ng kaibigan ni Ma'am Sifi," pakisuyo sa'kin ng isang kasamahan ko rito sa Sificility's. Agad kong minasdan ang dalawang table na maraming platong naiwan sa pagitan nang inu-upuang table ni Amox. Kanina pa siya dumating dito. Mga 20 minutes na siguro pero hindi niya pa rin ginagalaw ang in-order na kape. Dalawang tasa 'yon kaya naisip ko kaagad na may kikitain siya rito.
Marahan kong nilinis ang table na inutos sa akin. Hindi ako binalingan nang tingin ni Amox kaya mas magaan akong nakapag trabaho. May mga oras pa rin kasi na bigla na lang akong maiilang kapag nasa paligid siya. Naaalala ko kasi ang gabing iyon. Ang gabing inisip ko na lang na panaginip at hindi talaga nangyari. Tutal hindi na kami gaano'ng nagkakausap ni Amox dahil madalas— hindi na siya nakakasamang mag-lunch dahil may gagawin pa raw. Ang huling usap pa namin ay 'yong inin-form niya ako tungkol sa charity na gagawin. Hindi nga lang naasikaso agad dahil ayon kay Niquita, marami pang kailangang gawin para mapatupad iyon.
Ewan ko ba sakaniya, eh simpleng food feeding lang sa mga bata ang gusto ko. Kung ano-ano na naman siguro ang plina-plano niya kaya natatagalan. Kaya sa huli, kung matutuloy, masaya ako s'yempre. Pero kung hindi naman, ayos lang din. Ideya ko lang naman 'yon, eh...
"Sorry, my car was towed. Isinabay lang ako ni Lawrd papunta rito," paumanhin nang isang kasingkatangkaran niyang lalaki bago umupo sa harap ni Amox. Dahil nga naglilinis ako ng mga mesa na pinapalibutan nang inuupuan nila'y naririnig ko ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Saan ka ba galing?" tanong ni Amox sakaniya. Mas maputi ang lalaki kay Amox. Medyo mas magulo rin ang buhok na mukhang basa dahil nilagyan siguro ng spray. Napansin ko ring mayroon siyang gold na hikaw sa kaliwang tenga at gold rin na bracelet. He's wearing a neutral cream plain shirt na hanggang siko ang sleeves at trousers na gano'ng kulay rin.
"I was at White's Cafe earlier. Nagpatawag ng intimate meeting ang tito para sa extension ng hospital natin."
"What for?" Lumipat ako sa kabilang lamesa kaya't napagmasdan ko ang porma ni Amox ngayong gabi. Gray sweater at dirty white na jogging pants. Ang medyo maalon niyang buhok ay nakaayos gaya nang dati. Dahil sa medyo pagkakahawig nilang dalawa, ina-ssume ko na baka malapit na magkamag-anak sila.
"Alam mo na... hindi mapakali ang tito na hindi sakaniya bumaksak ang hospital. Dad wants it secured only for us, kaya't kailangan kong dumalo."
"Kailangan mong dumalo o gusto mong dumalo dahil ando'n si Ate Ledrhine? When will you go back to Boston, anyway?"
" 'Saka na kapag maayos na rito. I'll finish half of my degree at Rae University, then I'll fly back to Boston after gaya nang napagkasunduan na'tin nina mama. Zart's handling family matters well there, alone. He's good and enjoying life so might as well do the same." Confirmed na kapatid niya nga ito. Akala ko nasa Boston ang parehas niyang kapatid pero mukhang nasa kalapit na bayan lang pala at nasa Victoria ang isa.
Napansin at napakunot ng noo si Amox sa akin dahil nga nakagawad ako nang tingin sa gawi nila. Agad tuloy akong umayos at nagpatuloy sa gawain para matapos ko na iyon. May isa pa akong bagong lilinisin na mas malapit pa sa table ng dalawa kaya't kailangan ko nang bilisan. Baka isipin niya pang na-i-eavesdrop ako sa kanilang dalawa.
"Good for you both. You're surely enjoying your life here because of—" Hindi natapos ni Amox ang sasabihin dahil sinegundahan siya agad ng kapatid. "What? It's not my fault you're in vain right, now Amox. HAHAHA"
"Oh my gosh!" Montikan na akong makabasag ng mga pinggang nililigpit nang dahil sa gulat. Ilalagay ko sana ang baso at plato sa tray no'ng bigla na lang lumabas sa opisina si Ms. Sifi at tumili kaya't imbis na matapos na sa pangalawang mesa na ito— kailangan ko pa tuloy na kumuha nang panibagong basahan dahil sa natapon na juice.
BINABASA MO ANG
The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1
RomantikStatus: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from a prominent medical family in Boston, took a journey to the Philippines to partake in a pre-med course and work hard to make his father pro...