Chapter 1

275 14 14
                                    

Chapter I: Tadhana

Bhea's

Isang hingang malalim ang nailabas ko habang minamasdan si Mama na kasalukuyang tinutupi ang aking mga damit. Malamlam ang mata niya at hindi makatingin sa akin. Parehas kaming nandito sa kwarto kung saan kami halos isang taon tumira habang nagtra-trabaho ako rito sa Maynila.

"Mang," tawag pansin ko sakaniya. Lumingon lang siya saglit bago muling yumuko para ipagpatuloy ang kanyang pagtutupi.

"Sigurado ka ba talagang ito lang ang dadalhin mo?" imbis ay malimit niyang tanong sa'kin. Maka-treinta minutos na simula no'ng huling buka ng kaniyang bibig kaya hindi ko maiwasang sumagot agad para mapanatag siya.

"Oo ma, hassle kasi 'pag dinala ko pa lahat ng gamit ko roon, eh. Mag-ba-bus lang naman ako. At may mga gamit pa ako sa bahay nina Ate sa Dela Vera. 'Yon na lang po ang dadalhin ko." Muli ay malimit na tango lang ang iginawad niya sa'kin. Hindi ako mapakali sa katahimikan. Dati'y mga tawanan namin ni mamang ang maririnig sa tuwing umaga lalo na 'pag may pera kami at mababayaran ang mga bayarin o 'di kaya ang talak niya kapag masama ang timpla ng araw. Ngayon, ni isang imik ay hindi makahuni sa pagitan naming dalawa.

"Kumain ka muna bago ka umalis."

Pinagsaluhan namin ni mamang ang niluto niyang cornbeef at ham. Minsan na minsan lang magluto ang mamang dahil madalas— ako ang gumagawa noon. Simula no'ng mamalagi kami sa Maynila para makapagtrabaho ako, kahit pagod ay hindi ko pa rin iniinda 'yon para lang makapaghain sa hapag. Kung sabagay, kahit naman no'ng nasa Davao pa ako ay ganito na talaga ang gawain ko.

Kasama namin dito ni mamang ang isa kong kapatid na mas matanda sa akin. Pero kahit gano'n— parang hindi pa rin ako mapanatag na iiwan ko ang Mamang dito. Lagi kasing wala si ate. Ako ang bunso sa sampu'ng magkakapatid at simula pa no'ng una'y— ako na palagi ang nakakasama sa trabaho para kay mama. Ang iba ko kasing mga panganay na kapatid ay pamilyado na sa Davao, ang iba naman ay nasa Nueva Ecija.

Wala na kasi si papa. No'ng nabubuhay siya ay kay Papa talaga ako malapit. Kaso lang, no'ng kinuha na siya sa amin kasabay ng aking isa pang kapatid, do'n sinabi ko na sa sarili ko na— kailangan ko na ring kumayod para sa pamilya.

"Anong oras daw po ba uuwi si ate, ma? Nag-text ba sa'yo?" Sa pagkakatanda ko— alas-cinco lang ay tapos na ang shift niya. Alas sais na nang gabi at wala pa rin siya kaya natanong ko ito.

"Naku, hayaan mo na ang Ate mo. Ihahatid na lang kita sa sakayan ng bus. Wala kang aasahan doon."

Napakagat ako sa labi nang dahil sa narinig. Mabilis kong hinagkan si mama. "Mang, pasensya na..." Pilit kong nilimitahan ang aking paghikbi, ayokong umiyak sa harap ni mama. Baka mas piliin ko na lang na huwag nang umalis.

"Ayos lang. Sapat na ang isang taon nang pagsasakripisyo, Fida. Kaya ko na rito. Isipin mo ang sarili mo," aniya na nagpalambot sa aking puso kahit alam kong medyo labas iyon sa kanyang ilong.

Kahit pa gano'n ang sinabi niya ay hindi ko pa rin magawang kumalma. Alam kong 'pag umalis ako rito ay mahihirapan siya, pero mas mahihirapan kami kung mananatili na lang ako rito. Alam ko sa sarili kong mataas ang pangarap na ipinagpaliban ko no'ng isang taon, at ito na lang ang tyansa kong maibalik iyon.


"Basta 'pag may problema mang, tumawag kayo kaagad, ha?" habilin ko kay mama. Nandito na kami ngayon sa sakayan ng bus. Pinilit niya pa akong mag-taxi na lang daw kami papunta rito para hindi ako maubusan ng masasakyan dahil alanganing oras na ngayon. Gabi na kasi masyado.

"Kanina mo pa binibilin, Fida. Sige na at sumakay ka na ro'n, mag-iingat ka, ha?" Huli kong niyakap muli ang Mama bago ko siya hinalikan sa pisngi. "I love you, Mang..."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon