Chapter 15

68 12 2
                                    

Chapter 15: Fighting

Bhea's

Andito kami ni Iya ngayon sa study room ng dorm sa first floor dahil mas gusto niyang dito gumawa nang sandamakmak niyang drafts na due raw by the end of the week, two weeks from now. Nasa kalagitnaan na kami ng Prelims at sa susunod Midterms na kaya marami na rin talaga kaming ginagawa.Kauuwi niya lang galing sa one-shot gig nila sa Hulma, tapos bumaba agad siya sa study room ng dorm imbis na sa study area ng dorm space namin dahil maingay sa itaas.

Nagmu-movie marathon kasi sina Kathia sa taas dahil wala naman daw silang gagawin o kailangang review-hin kaya mamamahinga muna. Para makapag-aral nang mabuti, minabuti kong sumunod kay Iya para magkaroon nang matiwasay na mundo.

Hindi ako p'wede sa salas ng dorm dahil si Ark at si Ash ay may kausap doon na prof ata nila. Tapos 'yong ibang dorm-mates namin, hindi ko na naman nakikita. Buti nga at 'di nagreklamo sa'kin si Iya kaya't ayos lang talaga na nandito ako kahit pa— ka-video call ko si Red habang gumagawa ng requirements.

"Marami ba 'yang ginagawa mo?" tanong sa'kin ni Red habang kumakain ng hapunan. Kauuwi niya lang galing trabaho at medyo ginabi na nga siya kaysa sa tamang oras ng uwi dahil traffic. Madalas nang pumapasok sa trabaho si Red, kahit nga Sabado at Linggo— hindi niya na pinapaliban dahil may pinag-iipunan daw siya.

"Hindi gano'n karami, mga pagkatapos siguro nang isang-oras tapos ko na ito." Ngumiti ako at ipinakita ang iilang papel na nasa yellow paper na kasalukuyan kong sinasagutan.

"Kumusta ang eskwela? Maaga kang umuwi kanina?"

"Hindi, alas dos na halos ako naka-uwi dahil sumabay pa akong mag-lunch kina Liham." Wala na naman akong kawala kanina kay Liham dahil siya mismo ang sumundo sa amin ni Niquita sa blockroom.  Ayokong umalis kaagad sa cafeteria nang dahil lang tapos na ako sa pagkain. Madalas kasi— kapag kami ni Iya ang nahuhuli, naghihintay pa muna sina Liham na makatapos kami bago magpaalam. Gano'n ang ginawa ko kahit pa na-o-op ako sa pinag-uusapan nila. Usapang anak mayaman kasi. Tungkol sa business-business ng pamilya at sa buhay-buhay nila.

Napahapyawan din ang tungkol sa charity event na hanggang ngayon ay inaasikaso ni Curie. Hindi ata s'ya babalik sa Boston hanggat hindi pa nagaganap ang charity event. Marami na s'yang masyadong nagagawa para roon. Mula sa paghahanap ng sponsors, pagpunta sa location at kung ano-ano pa. Tuwang-tuwa nga si Niquita dahil sumasama raw si Amox kay Curie kahit busy.

Medyo napangiwi ako lalo pa't ideya ko iyon pero wala akong maitulong. Wala naman kasi akong alam sa gano'n kalalim na mga aasikasuhin. Malay ko bang aabutin 'yon ng iilang buwan bago mangyari.

"Sino-sino kayo ro'n?"

"Kapatid niya, si Migs, si Niqui at si Amox. Wala ulit si Iya kanina, eh."

"Close ka talaga sakanila kahit wala si Iya?"

Napa-isip ako bigla. Close nga ba ako sakanila? Eh sa halos buong sem, bilang lang sa daliri ko ang iilang beses na nagka-usap kami ni Liham. Madalas pa, ti-ne-text niya lang ako para ayaing mag-lunch. Tapos kapag nasa cafeteria na, tahimik na rin siya. Si Migs naman, si Iya ang ka-close dahil magka-blockmate sila. Si Dart, kahit papaano'y may pakikisama sa akin, samantalang si Niqui— ang nag-iisang pabida-kontrabida sa buhay ko.

I bit my lips when I realized that the only person whom I get personal and really got closed with was Amox... Sa loob nang halos kalahati nang taon last year, siya ang madalas kong kausap— personal man, kritical o kahit sa pinaka-common sense na bagay. Pero dati 'yon at hindi na ngayon.

Napa-iling na lang ako at pilit na ngumiti bago ko sinagot si Red, "Medyo lang. Kaibigan sila, Red. Ang bait kasi nila, 'diba na-k'wento ko sa'yo na sila ang tumulong sa'king makapasok sa part time?"

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon