Chapter 24

948 55 9
                                    

Truth 

"B-Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko sa kanya nang kumalma na ang sitwasyon.

Bumukas ang pinto, isang tagapagsilbi ang naghatid sa akin ng pagkain.

"You need to eat." Kumunot ang noo ko dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya.

He will not help me. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nakakaramdam ng kahit anong awa o simpatya para sa'kin.

"I have no appetite," walang ganang sambit ko bago bumalik sa pagkakahiga at pumikit.

Lumipas ang ilang segundong katahimikan. I thought he already left my room but I was wrong.

Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang kama at pagkatapos ay lumapat ang kamay niya sa noo ko.

"A-Anong ginagawa mo?"

Lihim akong napalunok. His sudden change of heart surprised me. Hindi naman siya ganito dati.

He went back to his seat without saying anything. Mabilis tuloy akong napabangon.

"P-Pwede bang umalis ka na lang?"

I stared at his eyes for some moment. Siguro ay pinagtatawanan niya ang kung ano mang nangyayari sa'kin ngayon.

Maybe he thinks that I'm the weakest and most vulnerable person he has ever met.

Pero wala naman sa'kin 'yon. His opinion doesn't matter.

"I'll help you." Ilang segundo akong natulala sa sinabi niya habang nangangapa ng sasabihin.

"W-Will you bring mom and Cosmic alive?"

He shook his head. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis dahil pinapaasa niya lang pala ako.

He shouldn't be here. Wala naman pala siyang magagawa para ibalik ang buhay ng pamilya ko.

"Bringing back their lives means I'll risk mine."

It tooks some seconds for me to finally absorb what he had said.

I felt suddenly guilty upon hearing his reason. Hindi pala gan'on kadali na ipilit yung gusto ko.

Nag ipon ako ng lakas ng loob at pagkatapos ay nag iwas ng tingin sa kanya.

"I'm sorry," I uttered, realizing how selfish I am for asking him that favor.

"But you can still do something," pangungumbinsi niya pa sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nawawalan na ako ng gana sa lahat. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na gusto ko ng tumiwalag sa samahang binuo nila.

"We'll kill him." Napatingin ako sa dalawang kamay kong minsan nang nabahiran ng dugo.

Napuno ng paghihiganti ang puso ko pero nabahiran din iyon ng takot. I don't want to suffer in the middle of the process again.

Natatakot akong mawalan ng isang taong mahalaga sa akin sa oras na pumasok na naman kami sa isang magulong sitwasyon. Pakiramdam ko ay hindi ko na talaga iyon kakayanin.

"P-Please leave my room. G-Gusto ko ng magpahinga." Halos maubos ang boses ko nang sabihin ko 'yon sa kanya.

The whole place became quiet again in an instant. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa nakakabinging katahimikang iyon.

Hindi natapos ang gabing na walang mga panaginip na mistulang nagbibigay senyales sa akin. I often saw my family with Evander who constantly reminds me that I was their hope.

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon