Chapter 2

1.6K 101 11
                                    

Challenge

"President Death will never be him if he never discourages anyone so don't bother pay attention to what he had said, alright? He was just testing if you'll gonna give up easily," payo ni Garnet matapos kong maikwento sa kanya lahat ng nangyari kahapon.

"Sinubukan ko naman kaso wala talaga akong kahit na anong makita n'ong hawakan ko siya."

Namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Wait, he really lets you touch him?" hindi makapaniwalang sambit niya.

Nagsimula tuloy akong magpanic dahil sa ipinakita niyang reaksyon. President Death told me that he can control his ability. Don't tell me mamamatay—

"No, you won't die." Kaagad niyang sagot kaya nagsalubong ang kilay ko. She then laughs because of my reaction.

"Your thoughts are pretty obvious, Dasha. Besides, I only have enhanced senses. I can't read your mind."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

"Anyway going back to what I'm saying...nahawakan mo talaga siya?"

Wala sa sariling tumango ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko rin ba na pinagaling niya ako kahapon.

"Aside from Death touch, did he know how to heal too?"

Her eyes glittered in admiration. Hindi ko siya masisisi. Maski ako ay hindi maitago ang pagkamangha sa abilidad na mayroon si Death.

"That makes him superior above any other. His power seems like life and death. His healing ability can even revive someone who's already dead."

I can't help but to belittle myself upon hearing those from her. Nasisigurado kong kahit anong pagsasanay ang gawin ko, hindi ko mapapantayan ang abilidad na taglay niya.

"That's why everyone is obsessed of making their rank higher. They want to beat him...most especially Phaedra." 

Since President Death failed to give me orientation, Garnet did his part. Mabuti na lang at mabait siya sa akin. She was so humble and she never gets tired informing me regarding all the things that I needed to know.

Before the day ended, we gathered in the Class A training once again. Doon kami binigyan ng isang relo pero hindi simpleng orasan lamang iyon. It was a different time teller. Headmaster Everhart told us to wear it every time because it will monitor the limit of our powers and abilities. The moment it turned red, we should be ready for the consequences.

Kinaumagahan naman, maaga kaming pinapunta sa training field. It was just 5 in the morning pero hindi na bago sa akin iyon. I used to wake up early when I'm still living in the high land of Ortho. Sa bagay na ito ata ako hindi mahihirapang mag adjust.

"Nag gygym ka ba?" pambungad na tanong sa akin ni Garnet matapos na makita ang ayos ko.

I was wearing training attire. The top was black fitted and sleeveless. Expose rin 'yong tyan ko. I have no choice but to wear what Headmistress Sonnata is giving. Kasama sa mahahalagang rules 'yong pagsunod ko sa kanya.

"Hindi," tipid na sagot ko dahil nahihiya ako kada makakatanggap ako ng papuri sa kanya.

"I envy your body. You're the hottest here, Dasha," she commended countless times. Mabuti na lang at maaga kaming nakapagsimula dahil kung hindi, maya't maya niya akong pupurihin.

Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagsisimula ng una kong pagsasanay.

"Are you nervous?" Vesper chuckled. Napatingin na naman ako sa maaliwalas niyang mukha. Mabilis ko siyang natandaan dahil siya palagi 'yong nakangiti.

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon