Chapter 14

1.1K 67 1
                                    

Consequences

I don't have an exact memory from three days ago. Ilang gabi ko ring pilit na inaaalala 'yong mga pangyayaring nakita ko sa nakaraan nina Dr. Sergei.

But no matter how much I forced myself, I ended up having a headache. Hindi ko alam kung paano nabura ng tatlong daeva kung ano ang natuklasan ko.

Isa lang ang bagay na nasisigurado ko ngayon. There's someone watching our every move. Alam na alam niya kasi 'yong magiging plano namin.

"You need more training, darling..." Humalakhak si Vlad nang matalo niya ako sa aming combat training.

I can't deny that he had a great contribution in our mission. He was stronger than me. Sa katunayan, hinamon niya pala noong nakaraan si Phaedra.

He lost to her pero gaya nga ng nabanggit ni Garnet, muntik nang mapantayan ni Vlad ang lakas niya.

"How's your ability?" pag iiba ko ng usapan. Hindi ko naman siya kinakitaan ng kahit anong kahinaan ng loob.

I guess this is what I admire about him. He was very confident in everything he did.

"I can feel my mom's presence again." A smile curved on his lips.

I've witnessed how hard working he was since the day he came here. It takes time to master a certain ability.

We don't have any book and related articles to search for our lingering questions. Tanging kami lang ang makakasagot kung hanggang saan ang limit ng kakayahan namin at ang mga consequences kapag nasobrahan ang paggamit nito.

It's a matter of self discovery.

"A penny for your thoughts, Dasha."

Garnet snapped her finger in front me which brought me back to reality. She also stared at me as if she's reading my every expression. Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang iniisip ko. Pakiramdam ko ay sa halos dalawang buwan naming magkasama, saulo na niya ang ugali ko.

"I told you to not force yourself." She gave me a glass of water.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. I felt useless. I wasn't able to fulfill my responsibility as his right hand.

Tatlong araw niya na rin akong hindi kinakausap at pinapatawag. Is he mad because I let those daevas cleared my memories?

Maski ako naman ay walang kaalam alam sa ginawa nila. I don't know if they used their ability against me. Kung nangyari man iyon, it only means that they were strong too. Madali nila akong nakontrol nang wala man lang kalaban laban.

"Damn! What's going on?"

Napatigil ako sa pagkatulala matapos ang reaksyon na 'yon ni Garnet. Mabilis akong dumungaw sa mobile phone na hawak niya. She was watching a video in a hospital.

Nagkakagulo ang mga tao rito dahil sa hindi malamang pangyayari.

"What's happening in your city, Dasha?"

She browsed another video again. This time, isang balita na 'yon.

"What? A virus?" Halos pareho kami ng naging ekspresyon.

According to the news, may bagong kumakalat na nakakahawang sakit. It was a kind of virus that damaged someone's skin. When you were infected with it, you'll feel like burning.

The effect could be worst. Malulusaw ang buong katawan mo sa oras na kumpletong lumaganap ang sakit.

"This is hell!"

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon