Chapter 16

1K 63 2
                                    

Mistake

The whole place screams placidness. I suddenly felt like I was in paradise. The sun rose in a casual elegance. There were trees surrounded by grassy lands as if they were dancing ladies choreographed by the wind. 

Hindi ko maiwasang mapapikit habang pinapakiramdaman ang maaliwalas na paligid. I felt a fragrance of homeliness.

While I was walking barefoot in the grassy land, isang puting kabayo ang nakaagaw ng atensyon ko. Sumakay ako r'on habang iniikot ang buong paligid. 

A look of awe crept over my face while roaming around. Napahinto lang ako nang may maaninag akong isang nakaitim na lalaki. Marahan akong bumaba sa kabayo at naglakad papunta sa direksyon niya.

"P-President Death?" naguguluhan kong tanong. I wonder what he's doing in this similar place with me.

Humarap ito sa akin at doon ko muling nakita ang pares ng kakaiba niyang mata. This time, I saw a hint of expressions on it. He had a pair of mad eyes.

"B-Bakit?" I suddenly felt nervous so I decided to slowly step back but he continued advancing. 

"Why do you think you're here, dwarf?" pilit kong inalala ang lugar kung nasaan ako bago ako napunta rito.

Then I remember I had an encounter with Night Caller. I wasn't able to do anything to defend myself. Muli kong inalala kung paano nahulog ang sarili ko sa walang katapusang kawalan. 

Am I already dead?

"Who do you think are you?" 

I was wrong about what I thought earlier. Hindi pala ito isang kalmadong lugar. It was a kind of place where I will receive a lot of lectures from him. 

"I'm stupid..." Pilit kong nilabanan ang titig niya pero hindi ako nakatagal. "'Yon naman ang gusto mong sabihin di'ba?"

For countless times, I received his deadly stares again.

"Don't be so stubborn." 

Napatungo ako. Hindi ko iniiwasan 'yong mali ko. I was actually wrong in that part. I made rushed decisions without even informing others. I put Coven's life at risks too. Hindi ko matatanggap kapag siya mismo ay napahamak sa pagiging padalos dalos ko.

Nag ipon ako ng lakas ng loob para muling mag angat ng tingin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mga mata niya. Ramdam kong galit na galit pa rin siya dahil sa ginawa ko.

Hindi ko maiwasang manlumo at mahiya.

"Don't give me that ugly look, dwarf."

Bagamat galit siya sa akin, kalakip pa rin doon ang matinding pag aalala. The last time I touched him, he was really hot kaya wala sa sariling tumingkayad ako para abutin ang noo niya. Hindi naman nakatagal ang kamay ko dahil mabilis siyang nakahawak sa palapulsuhan ko para alisin 'yon.

"How was your feeling?"

"Your trick won't work on me."

Mas lalong naging matalim ang tingin niya. Iniisip niya siguro na iniiba ko yung usapan namin. It's just that, ayoko munang pakaisip iyon.

Sa tuwing naaalala ko 'yong sinabi sa akin ni Night Caller, pakiramdam kong bumabalik sa dati ang lahat. Nanliliit na naman ako para sa sarili ko. 

"A-Aalis na lang ako..." Alam kong wala na akong mukhang maihaharap pa. Kung ano man ang totoong nangyari sa akin ngayon, pakiramdam kong wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang tanggapin iyon. 

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon