Chapter 8

1.1K 71 4
                                    

Traitor

Cosmic doesn't want to let go of my hand only if mom didn't say something to her. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil kulang na kulang pa iyong halos isang oras naming pagkikita.

Kung hindi ko lang kasama si President Death, gusto kong humiling kay Headmaster Everhart na hayaan akong tumuloy muli rito hanggang sa paglubog ng araw. In exchange to that, I'll do better on the next missions. 

Hindi ko lang talaga maiwasang mangulila sa pamilya ko at sa tahimik at mataas na lugar ng Ortho kung saan ako lumaki, nagkaisip at nanirahan.

"Sigurado ka bang ligtas ka r'on, anak?" paulit ulit na tanong sa akin ni mama. She knew that I was extraordinary. Kaya kahit na paulit ulit kong sabihin sa kanya na maayos ang lagay ko r'on, hindi niya pa rin magawang mapanatag. 

"Huwag na po kayong mag alala. Kaya ko ang sarili ko," sinubukan kong ngumiti habang pilit na itinatago ang pait sa boses.

I wasn't able to make our conversation longer. Mas mahihirapan ako kung sakali mang patatagalin ko 'yon. Hindi maiwasang sumagi sa isip ko na tumakas na lang sa syudad ng Deltha at lumayo mula sa mga taong hindi ordinaryo katulad ko. Pero sa tuwing naaalala ko kung gaano kaganda ang buhay nila ni Cosmic ngayon, mas pipiliin ko na lang na lumayo. 

"Hindi mo ba siya iimbitahan muna sa loob?" Itunuro ni mama si President Death na kanina pang nakatayo sa labas buhat iyong bata na nailigtas namin kanina. 

"Hindi na po mama. Kinakailangan na po naming umalis," sambit ko. Mas lalo akong nagmadali nang makita ko iyong presensya ni Vesper sa labas. 

"Mag iingat po kayo rito." Huling paalala ko bago niya ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Labag man sa loob kong humakbang palayo, sinubukan ko pa rin na magpatuloy at hindi na lumingon pa dahil alam ko sa sarili kong wala na akong iba pang magagawa kung hindi ang umalis sa tabi nila.

"Who's this cute little boy?"

Naputol ang pag iisip ko dahil sa boses ni Vesper. He looks exhausted because of the training. Halata ko iyon sa mga mata niya.

Siguro ay nandito siya para sunduin kami nang sa gayon, hindi na kami abutin pa ng dilim para makabalik sa Deltha. 

"We encountered a daeva earlier so we saved him."

President Death didn't say anything else. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito pero ramdam kong iritado siya sa mga nangyayari. Halos isang oras din siyang naghintay sa labas at hindi ako iniimikan

Akmang ibaba na sana niya 'yong bata kung hindi ko lang siya pinigilan. 

"We can't leave him here," angil ko lalo pa't hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kamalay malay. 

"Let me carry him." 

I was thankful that Vesper was considerate. Sumang ayon siya sa gusto kong mangyari.

"Ihatid na lang natin siya kapag maayos na ang lagay niya. S-Sa ngayon, hayaan niyo munang makapagpahinga siya nang husto," pakiusap ko.

Masyadong masalimuot 'yong nangyari kanina para sa kanya. I want to ask help from Ashanti too to manipulate his memories so he won't gain any traumas from what happened once he's fine and conscious.

Wala pang limang segundo, mabilis kaming nakabalik sa Deltha gamit ang abilidad ni Vesper. Hindi ko naman maiwasang mag alala nang makita kong dumudugo ang ilong niya.

"A-Ayos ka lang ba?" Hindi ko maiwasang makunsesnya. He was too tired pero pumayag pa rin siyang gamitin namin iyong kakayahan niya.

"No worries, my Dasha," he assured while smiling. "Where should I bring him?" 

Deltha: Avenue of the EsotericTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon