Chapter 1: A Dream in a Bus

14 2 0
                                    

"Charlotte!"

I suddenly woke up with Riley's continous tapping of my shoulder.

"Malapit na ako sa stop ko gumising kana huwag kana matulog baka manakawan kapa o kung ano." sabi ni Riley sa akin.

Humikab ako dahil sobrang inaantok parin ako.

"Kailangan mo ba talagang puntahan yung friend mo? Inaantok pa ako eh, wala akong ibang kilala sa bus na toh." sinabi ko with my nag mamakaawang face.

"Lilibre niya ako kaya hindi na ako makakapagluto ng dinner natin kasi lilibre ako ng dinner ng friend ko, at natatandaan mo ba yung kasabihan ni Riley?" sabi ni Riley at tinutukoy yung sarili niya.

"Kapag may grasya wag iwasan baka ika'y madisgrasya." sinabayan ko siyang sabihin yon dahil paulit-ulit ko nang naririnig yon.

"Okay, bumaba kana nasa stop na tayo." sagot ko kay Riley habang tinutulungan ko siya tumayo dahil mabigat yung daladala niyang bag parang mag hihiking.

"Ingat ka wag ka matulog." atsaka siya bumili ng mani doon sa nagtitinda at iniabot sa akin.

"Kumain ka para hindi ka antukin." nag wave si Riley sa akin at bumaba na ng bus.

May naupong lalake na naka suot ng white shirt at maroon shorts sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin dahil di konaman kilala at diko mamukaan dahil sa suot niyang cap.

Naubos ko yung mani na binigay sa akin Riley at hindi ko na namalayan na nakatulog ako dahil pini-pikit ko ang mga mata ko dahil inaantok pa ako sa sobrang pagod ko sa 1st day ng second semester namin.

~~~~D~~~~R~~~~E~~~~A~~~~M~~~~~

Im on a hill with a beautiful green grass and the chilly wind. Not that far away from me is a guy who's back is facing me. I just looked at him and felt very comfortable and my heart felt very full.

"Miss" I heard and it sounded like male voice.

"Miss!" it repeated.

I woke up from that call and someone was tapping my shoulder.

"Ughhh, Riley ano nangyare sa boses mo?" sinabi ko habang humihikab.

"Malapit na yung bus stop baka doon ka bababa and sorry kung nagising kita." sabi saakin nung katabi kong lalake.

"Ah huwag monang alalahanin yon, bababa na ako dun sa next stop kaya maraming salamat sa pagising sakin." gulat na gulat ako at nahihiya ako sa ginawa ko kaya hindi ko kinayang tignan ang kausap ko.

Madali kong tinignan ang laman ng bag ko at ng bulsa ko kung may nawawala dahil sa sinabi sa akin ni Riley pero mabuti naman at wala akong nawawalang gamit.

Bumaba na ako sa stop ko at pumunta doon sa pinakamalapit na store doon sa kanto para bumili ng bottled water kase dapat uminom ng tubig after kumain ng mani. Naglakad na ako papuntang dorm at nakarating ako ng 5:35 pm at nandoon na si Ria since katabi lang ng school niya yung dorm namin. Wala na kasing ibang malapit na matitirhan sa university namin kaya nakitira nalang kami ni Riley sa dorm ni Ria at mas makakatipid pa.

"Asan si Riley bakit hindi mo siya kasama?" tanong sa akin ni Ria.

"Tinawag siya nung friend niya mag meet daw sila, hindi ko lang alam what time siya uuwi."

Tinext ko si Riley what time sya uuwi ng biglang mag text siya ng number 2 sunod sunod na limang beses. Biglang may nag call sa phone ko na nakapangalang "Tita Mercedes" which is Riley's mom kaya sinagot ko.

"Hello Charlotte kasama moba yung anak ko? Hindi kasi sumasagot sa tawag ko eh" malambing na pagsabi ni Tita Mercedes. Doon ko palang naintindihan iyong text ni Riley kung bakit ganoon.

"Ah, opo tita kaso nasa banyo po siya ngayon number 2 po kaya medyo matagal po." sagot ko na palambing.

"Ahh ganoon ba? Sige pakisabi sakanya pagkatapos niya tawagin niya ako ha?"

"Sige po tita"

"Thank you iha." at tinapos ni Tita Mercedes yung call.

Madali kong tinext si Riley na umuwi na siya kung gusto niya pang mabuhay. Nag reply siya na pauwi na siya at ihahatid siya nung friend niya at huwag na raw kami bumili ng dinner dahil nag takeout nalang siya sa jolibee ng isang bucket na linibre nung friend niya.

Nakarating si Riley ng 5:50 pm sa dorm na may daladalang isang bucket ng chicken, tatlong burger, tatlong sundae, at tatlong fries. Hinintay namin muna matapos mag usap si Riley at ang mama niya bago kami kumain at nag hati-hati sa dalang pagkain ni Riley.

Naghuhugas ako ng plato nang lapitan ako ni Riley.

"Bayaran mo yung kinain mong mani kanina hindi iyon libre." sinabi ni Riley habang nakangiti at iyong mukha niyang nangiinis.

"Hindi mo agad sinabi na hindi iyon libre! Hindi ko na sana kinain at ibinalik sayo!" pinag babasa ko si Riley at binigyan ng sabon galing sa kamay ko habang nag huhugas ng plato.

"Hoyyy joke lang hahahaha, ikaw naman sampong piso lang iyon." sabi ni Riley at umalis na habang pinagpupunas ang sarili niya.

Hinugasan ko iyong kamay ko para kunin yung wallet ko sa bulsa ko at mabayaran yung sampong piso lang ni Riley since sampong piso lang naman daw. Hindi ko mahanap yung wallet ko sa bulsa ko kaya tinapos kolang yung mga hugasin bago hanapin yung wallet ko.

Hindi ko siya mahanap tinignan ko na sa bag ko pero wala pa rin, hinanap ko siya sa mga upuan at mesa na kung saan ko siya puwedeng nailagay at sa mga ilalim na puwedeng nahulog ito. Habang hinahanap ko yung wallet ko napansin ako ni Ria at tinanong kung ano hinahanap ko kaya tinulungan narin niya ako. Tinawag namin si Riley para tumulong mag hanap dahil hindi namin makita ni Ria kahit saan yung wallet ko. Naisip kong niloloko ako ni Riley kaya pinapabayad niya sa akin yung mani na binili niya sa akin kanina, nagalit na ako pero hindi parin niya binibigay kaya siguro na hindi niya nga kinuha dahil nalungkot narin siya at pumunta sa kuwarto niya dahil sinisisi ko siya.

Sigurado ako na nasaakin payon nung chineck ko mga gamit ko pagka gising ko sa bus. Ahhhhh! saan ko nalagay yon???

Tinulugan ko nalang yung wallet ko sa sobrang pagod ko kakahanap at sabi nga nila kapag doon mo hindi hinahanap doon siya lilitaw.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon