Chapter 11: Embarrasment

4 2 0
                                    

"Gumising ka mahinang nilalang."

Nagising ako sa patuloy na pag tampaling ng mahina ni Kat sa aking mga pisngi. Naupo ako at tinignan ko sila isa-isa at ngumiti.

"Hindi ako mahinang nilalang haha."

Tumayo ako ng hinay-hinay dahil medyo nahihilo ako.

"Dare mo sa akin ay i-message si Rj ng I love you? ha!" sabi ko habang itinuturo si Ria.

"Tatawagin ko pa siya ngayon! Wait lang." kinuha ko iyong phone ko na nasa lapag at tinigilan iyong pag record ng video.

Pumunta ako sa contacts ko at dinial si Joseph. Sumagot siya pagkatapos ng 2 sigundo at ilinagay ko siya sa speaker para marinig siya ng mga barkada ko.

"Hello?" tanong ni Joseph.

"Hoy! Joseph Rafael Castañeda hehe, pangalan palang guwapo na."

"Charlotte?"

"Huwag mo ako ma Charlotte Charlotte diyan! Isusumbong kita sa pulis ng trespassing!"

"Hoy Charlotte!" sigaw ni Riley habang kinukuha iyong phone ko mula sa akin kaya itinulak ko siya.

"Manahimik ka! Di mo ba nakikita may kausapa ko sa phone ko!?"

"Uhmmm Charlotte, uminom ka ba?" tanong ni Joseph.

"Ako uminom? No no no no, Never! I'm a good girl kaya bakit naman ako iinom? Ikaw uminom kana ba? Always keep your body hydrated!"

"Rj! Kung naririnig mo ako pa-" sigaw ni Riley kaya tinakpan ko yung bibig niya.

"Kat, Ria ilayo niyo nga iyan ang ingay may kausap ako."

Tinakpan nila ang bibig ni Riley at ilinagay yung kamay niya sa likod at hinawakan ito ng mahigpit.

"Okay, Thank you." nginitian ko sila at bumalik sa kausap ko.

"Bakit ka palaging pumupunta sa panaginip ko!? Bakit kapag nasa panaginip kita masaya ako!? Bakit kapag kasama kita hindi ko nararamdaman iyon!?" nagsimula na akong lumuha.

"Bakit wala ka sa panaginip ko kanina... Bakit iniwan mo ako sa burol na iyon... Noong nandoon ka ang ganda ng panahon! Nandoon ang araw at may mabangong simoy ng hangin pero kanina..." pumuno ng luha ang mga mata ko.

"kanina umiiyak lang ako sa ilalim ng ulan na nakatayo sa putikan. Iniisip ko nalang bakit hindi pa ako tamaan ng kidlat para matapos na ang lahat!" napaupo ako sa carpet at binitawan iyong phone pinupunasan iyong iyak ko na walang tigil.

"Charlotte... papatayin kona iyong call..." sagot ni Joseph.

"Huwag! Huwag mo akong iwan please! Hindi na ako lalayo sa iyo so please huwag mo akong iwan."

"Hindi kita iiwan, kaya tumahan ka na."

Nahiga ako sa carpet at pa dahan-dahan akong tumigil sa pag-iyak at nakatulog. Binitawan na si Riley non at kumuha siya ng unan at kumot para sa akin. Tinanggal nila iyong mesa na nasa gitna ng carpet natulog sila sa tabi ko pagkatapos nilang kumuha ng unan at kumot.

~~~~D~~~~R~~~~E~~~~A~~~~M~~~~

I was back at the hill but the heavy rain started to stop and there were no more thunderstorm. I looked everywhere what's happening when I saw a certain spot where the green grass started to spread. I watched how it spread and how different kind of plants started to grow and on that direction I saw a silhouette of a guy coming towards my direction. When he was a few meters away from I recognized his face and it was Joseph and his dimples, I meant his smile. When suddenly a rock from the sky fell directly to my head and it somehow bounced in to my stomach.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon