Chapter 12: Dream come True

4 2 0
                                    

"Charlotte!" sigaw ni Kat.

Nagising ako at may mga taong nakapalibot sa akin habang hinahawakan ako ni Kat.

"Okay ka lang ba? Hindi ba masakit?" tanong ni Kat.

"Ah! Oo tara na naghihintay si Daniel sa KFC." kinuha ko iyong kamay ni Kat at tumakbo pa alis sa mga taong nakapalibot.

Tinanong ako ni Kat habang tumatakbo kami kung okay lang ba talaga ako pero wala naman talaga akong nararamdaman na sakit kaya oo ang sagot ko.

Nakarating kami sa KFC at wala man sa labas si Daniel kaya pumasok kami at doon namin nakita si Daniel na nakaupo doon sa isang table na nalapit sa bintana. Nakita ako ni Daniel at nag wave siya sa amin kaya nag wave rin ako pabalik. Linapitan namin siya at nakita ko na hindi pa siya bumibili ng pagkain niya.

"Hindi pa ako nag order para sabay-sabay tayong kumain, anong gusto niyo? Ako na pupunta sa counter." sabi ni Daniel pagkatapos niyang tumayo sa kina uupuan niya.

"Krispy strips with rice combo sa akin." at ibinigay ko iyong bayad kay Daniel.

"A.M. cheese hotdog rice bowl combo naman sa akin." at ibinigay ni Kat iyong bayad niya.

Pumunta si Daniel sa counter para mag order habang kinikwento ni Kat iyong nangyari kagabi at sinabi kong manahimik nalang siya dahil ayaw kong maalala iyon. Ikuwinento naman niya iyong nangyari kanina sa daan habang pinagtatawanan ako.

Dumating dala-dala yung mga pagkain namin. Ilinigay niya iyong pagkain namin sa table at iniayos namin.

"So... Tungkol saan pag uusapan natin?"

"Ah, for tommorow kase birthday ni Rj." sagot ni Daniel.

"Hahahaha sige ipamimigay ko na barkada ko. Ilagay mo siya sa malaking box tapos tulungan kita mag balot bigay- aray!" sabi ni Kat pero tumigil nung kinurot ko iyong paa niya.

Natawa si Daniel at biglang nag ring iyong phone ni Kat.

"Wait guys sagutin ko lang." at tumayo si Kat pumunta ng banyo.

"Iyon ba kasama mo nung first time tayo mag meet? Parang nag iba mukha." tanong ni Daniel.

"Ah hinde, busy si Riley kaya nagpatulong ako kay Kat pero hindi siya palagi nandito dahil hindi namin siya kasama sa dorm."

"Ahhh, busy ka ba bukas?"

"Uhmmm, hindi naman siguro pero sasabihin ko nalang sayo kung hindi kita matutulungan."

"Okay, 1st anniversary kasi namin ng gf ko yung birthday ni Rj and I felt really bad because I spent the whole day with my girlfriend at hindi ko binigyan ng time last year si Rj... I felt really bad because it was his 21st birthday and he spent his birthday alone."

"Wala siyang ibang friends dito?"

"No one because on our first year may naging kaibigan kami ni Rj pero sa end ng school year ay ninakawan si Rj ng sampung libo nung kaibigan namin kaya ever since nagkaroon na siya ng trust issues at ako lang iyong pinagkakatiwalaan niya."

Tumingin ako sa bintana at inisip kung anong klasing bagay na ang napagdaanan ni Joseph nang biglang dumating si Kat.

"Guys, kailangan ko ng umalis ka agad. Uubusin ko lang pagkain ko tapos aalis na ako, sorry Charlotte di na kita masasamahan bumalik sa dorm."

"Okay lang, ano kaba hindi ka naman nakatira doon sa dorm namin." sagot ko.

"Ihahatid ko siya pauwi if you want?" tanong ni Daniel kay Kat.

"Ahhh hindi na, papasundo nalang ako kay Riley." sagot ko.

Kumain lang kami ng tahimik hanggang sa natapos kumain si Kat.

"Alis na ako, bye." paalam ni Kat habang nag wawave at tumatayo paalis.

"Ingat ka." nag wave ako pabalik sa kanya at nag wave rin si Daniel sa kaniya.

"Can you come tommorow sa dorm namin at 1:00 pm?" tanong ni Daniel.

"Hmmm so kakain na ako ng lunch bago pumunta roon?"

"Ahhh oo, that time kasi ako aalis para hindi mag isa si Rj."

Tumango ako at inubos na namin iyong kinakain namin. Tinext ko si Riley na salabungin niya ako sa daan at nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Daniel.

Nagkita kami ni Riley sa may kanto at ikuwinento ko sa kaniya paano nangyari iyong napanaginipan ko kaninang umaga.

Naligo ako pagkabalik ko sa dorm at nag aral habang pinapatuyo ang buhok ko. Kinuha ko iyong phone ko bago ako humiga sa kama at tinignan ko at may message si Joseph sa akin.

Are you free tommorow?

In the afternoon?

You can bring Riley with you too.

Titignan ko.

Itinabi ko ang phone ko at natulog na ako. Nagising ako ng 6:54 pm at tumayo para tignan kung may dinner na. Ininit ni Riley iyong linuto niyang sopas kaninang hapon na madami pa.

"Riley busy ka bukas?" tanong ko habang humihikab.

"Hinde baket?"

"Birthday ni Joseph pinapa punta ako ni Daniel kaya umalis ako kaninang lunch."

"Sino si Daniel? At saan ba tayo pupunta?"

"Kasama ni Joseph kahapon, iyong tinulungan ko magbuhat kay Joseph at saka sabi raw ni Daniel sa dorm daw nila pupunta."

"Hala bakit doon ayaw ko niyan, ikaw nalang mag isa pumunta. Ilan ba bisita niya?"

"Tayo lang."

"Ayy weh? Sige ganto nalang ha, ihahatid nalamg kita doon sa dorm nila tapos kayo nalang mag bonding baka maging third wheel pa ako."

"Baliw ka ba!? Iiwan mo ako mag isa sa tinitirhan ng lalakeng hindi ko naman gaanong kilala tapos babae ako!"

"Mapagkakatiwalaan ko iyon, siya iyong nagbalik ng wallet mo diba?"

"Kahit na! Lalake parin iyon."

"Okay, bakit hindi nalang kayo lumabas?"

"Wait lang tatanungin ko si Daniel kung okay lang lumabas."

Nagtanong ako kay Daniel at sabi niya ay lalabas talaga kami ni Joseph dahil wala naman magagawa sa dorm nila at pupunta lang talaga ako doon para sunduin siya.

Kumain na ako ng dinner at naghilamos para makakatulog na ako pero may nag notif sa phone ko at nag message sa akin si Joseph.

Okay

Sabihan mo nalang ako kung free ka.

Puntahan nalang kita diyan sa dorm niyo.

Okay

Thank you.

Nag alarm ako ng 11:58 pm at natulog na.

Nag ring ang alarm ko at nagising na ako. Ginising ko muna ang sarili ko para hindi ko ma send sa iba iyong message at binati si Joseph ng happy birthday at natulog na ako.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon