Chapter 2: Lost and Found

9 2 0
                                    

~~~~D~~~~R~~~~E~~~~A~~~~M~~~~

I was back at the beautiful green hill again. I saw the guy again but his back is still facing me but this time I saw my wallet on his hands! He was holding it. I was so sure it was mine because it was my pink wallet with the matching keychain me and my friends have.

I woke up and nakita ko si Riley tapos na magluto ng almusal namin. Kwinento ko sakanya yung napanaginipan ko sa bus at napanaginipan ko kagabi. Pinagalitan niya ako nung nalaman niyang naka tulog ako sa bus.

"Ano ba yang guy sa dream mo sabi mo feeling mo siya na yung the one mo pero parang magnanakaw lang siya since nasa kanya wallet mo." sabi ni Riley sa akin.

"Oy hinde! Malay mo siya yung magbabalik ng wallet ko noh." sumbat ko kay Riley.

"Oo na sige bilisan monalang kumain at maligo para maka alis na tayo baka malate tayo sa school."

Tinapos kona yung pagkain ko at naligo na ako. Habang naliligo ako umalis na si Ria para pumunta sa school niya kase maaga yung pasok niya ngayon.

Natapos na akong maligo at naka ayos na ako pero hindi parin lumilitaw yung wallet ko kaya hinanap ko siya uli ngayon.

"Anong hinahanap mo? Malalate na tayo bilisan mona!" naiinis na sabi ni Riley.

"Yung wallet ko! Wala akong pera pang commute at pambili ng mirienda at lunch." naiinis kong sagot.

"Ako na muna magbayad habang hindi mopa nakikita yung wallet mo kaya bilisan mo! Malalate na tayo." sigaw ni Riley habang palabas na siya.

Naglakad na kami ni Riley papuntang bus stop at napahikab ako dahil naiisip ko na makaktulog na uli ako pero nung nasa kanto na kami may biglang tumawag saamin.

"Miss! Miss!" sigaw nung lalaking naka white polo shirt and black pants habang tumatakbo siya papunta sa amin.

Nakita ko sa kamay niya yung wallet ko dahil ito yung pink na wallet na may nakasabit na house shaped keychain! Inabot niya ito at habang kinukuha ko sa kamay niya ay nagsasalita siya.

"Ito yung wallet mo na nahulog mo kahapon dito sa kanto habang bumibili ka ng tubig na isasauli ko sana sayo kaso hindi ko saang direksyon ka dumaan dahil may kausap ako sa telepono kahapon." sinabi nung lalake na sobrang bilis at tumakbo na parang nagmamadali.

Hindi ko napansin yung mukha niya dahil nakatuon ako ng pansin sa wallet ko. Pero nung tinignan ko siya habang tumatakbo siya palayo parang nararamdaman ko yung narandaman ko sa panaginip ko at yung likod niya kamukha nung likod sa panaginip ko! Tinignan ko yung laman ng wallet ko at walang nawawala kahit isang sentimo.

"Bilisan mo! Malalate na tayo pati yung nakakita sa wallet mo late na rin ata dahil ambagalbagal mo! Sa bus monalang tignan yung laman niyan." sermon sa akin ni Riley habang hinihila ako papunta sa Bus Stop.

Sumakay na kami ni Riley ng bus at may kasama na ako ngayon kaya pwede na ako umidlip.

"Huwag ka munang matulog, hindi kapa nakapag bayad sa conductor." pinalo ako ni Riley nung ipipikit kona sana yung mga mata ko.

"Diba sabi mo ililibre mo ako." with matching nakakaawang face.

"Manahimik ka nga diyan diba sabi ko habang wala pa yung wallet mo? Pero andyan na wallet mo oh kaya ikaw mag bayad."

Wala talagang epekto yung nagmamakaawang face mo kung walang awa kausap mo. Ipipikit kona sana yung mga mata ko nung magsalita nanaman si Riley.

"Nakita moba yung itsura nung nag balik ng wallet sayo? Ang guwapo niya!" kinikilig na sinabi ni Riley.

"Hindi, ko nakita mas nakita ko yung wallet ko kanina, baket ano ba itsura niya?" tanong ko kay Riley.

"Aba malay ko alam mo naman hindi ako marunong mag describe ng mga tao at saka kapag sinabing guwapo ibig sabihin guwapo, okay? May guwapong pango at may guwapong matilos ang ilong."

"Oo nah, okay matutulog na ako huwag mo na akong kausapin." at saka kuna pinikit ang mga mata ko.

Ginising ako ni Riley nung nasa bus stop na kame at pumunta na sa school. Nalate kami ng 10 minutes dahil sa wallet na iyon.

Lunch time habang kumakain kami ni Riley bigla siya nagtanong.

"Charlotte, mapapangako moba sa akin na hindi kana matutulog sa bus ng mag isa?" tanong ni Riley.

"Baket iiwan monanaman ako?"

"Hindi kita iiwan! Isasama na kita kung matutulog ka sa bus ng mag isa."

"Ay, ayaw ko nga. Gagawin mo pa akong third wheel sa date mo."

"Hoyyy hindi yun date at friends lang kami."

"Ay oo nga pala hindi mo pa pinapakilala sa akin yan, ano name niyan?"

"Henri Kit David."

"Ano insta? Tignan ko yung face niya."

"Nri_David."

Sinearch ko yung name niya sa Insta at nakita ko yung mga posts niya na may mga mahal na brand items. Hindi ko gaano mamukhaan because either naka sunglasses siya, nakatalikod siya, nakatakip yung bibig niya sa kamay niya at kung ano-ano pa dahil naka focus yung mga photos niya sa mga mamahaling gamit niya.

"I don't like him, masyado siyang materialistic." sagot ko kay Riley.

"So what? Hindi ka naman niya liniligawan diba?"

"No! I don't like him for you! Plus hindi niya pinapakita yung buong mukha niya sa mga pictures niya dahil sigurong pangit siya."

"Ansama naman nito hindi mopa nakita yung mukha niya ng personal nanlalait na."

"Duh if you're ugly on pictures siguradong pangit karin sa personal, mas maniniwala pa ako sa pangit sa personal tapos guwapo sa picture dahil magaling mag edit."

"Oo na, hindi ko naman siya gusto ano kaba. Sige hindi na ako sasama sakanya, sasama nalang ako sayo pauwi mamaya."

"Yay, I can sleep on the bus on our way home!"

"Tapusin mona yang pagkain malapit na matapos yung lunch baka malate nanaman tayo."

Inubos kona yung lunch ko at pumunta na kami sa next class namin ni Riley para ngayong hapon.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon