Final Chapter: The End of my Dream

4 1 0
                                    

Gabi na nung natapos kaming kumain ni Joseph kaya nag text na siya kay Richard na mag hihintay lang kami sa parking lot kung saan naka park yung kotse niya. Naglalakad lang kami ni Joseph sa labas ng mall at tumambay muna sa tabi nung fountain na nag iiba ng kulay.

"Thanks Charlotte" sabi ni Joseph ng nakangiti habang tinitignan ako.

"You're welcome, sobrang saya ko ngayon dahil naka kain ako ng marami at nakasabay ka rin sa akin kase nakakailang kapag yung kasabay mong kumakain ay tapos na at ikaw kumakain ka pa."

Napangiti si Joseph sa sinabi ko habang nakatitig siya sa akin kaya napatitig ako sa kaniya dahil sa mga dimples niya. Biglang tumunog yung phone niya na nasa left pocket niya at kinuha niya iyon para tignan.

"Happy Birthday message?" tanong ko

"No" umiling si Joseph at pinakita niya yung message na nanggaling kay Richard na medyo matagal pa siya at mag libot muna kami.

"Anong gusto mo? ibibili kita ng birthday gift mo"

"Oh, no akala ko iyong libre mo sa vikings yung birthday gift mo sa akin tiyaka wala rin akong gustong bagay ngayon."

"Okay, sabi mo eh. How about bili tayo ng drinks? Naubos na itong tubig ko." sagot ko at ipinakita iyong pink tumbler ko na wala ng laman.

"Okay let's go"

Pumasok kami uli sa mall para bumili ng drinks namin at bumili narin ako ng para kina Riley at Ria para hindi sila magrereklamo kauwi ko. Nag lakad na kami papunta sa parking lot kung nasaan yung sasakyan ni Richard dahil nag text na siya na papunta na siya.

"Alam mo nung una kitang nakita nagkaroon ako ng mga panaginip na laging nangyayari pero iba yung nangyayari everytime pero same lang yung lugar at lagi kang nandoon." sabi ni Joseph nung nakarating na kami sa parking lot at nakatayo kami doon sa free space sa tabi ng kotse ni Richard.

"Wait, Ano!? Yung lugar ba ay doon sa isang burol na may matingkad na kulay na berdeng damo?"

"Oo... paano mo nalaman?"

"Ganoon din iyong napapanaginapan ko"

"So pareho yung panaginip natin..." sagot ni Joseph at napatingin siya sa langit.

Napatingin ako sa langit at dalawang bituin lang ang makikita mo sa langit. Unti-unting nawawala yung isang bituin dahil sa mga ulap nang may narinig akong nahihirapan huminga at napatingin ako kay Joseph hawak-hawak ng kaliwang kamay niya ang ulo niya at mukhang nahihirapan huminga.

"Joseph! Ayos ka lang ba?"

Hindi na nakasagot sa tanong nang nawalan ng malay si Joseph at bumagsak, hindi ko na siya nasalo sa sobrang bilis ng nangyari. Nanlaki nalang ang mga mata ko nung natamaan ng ulo niya iyong mga parking bumpers at bumagsak pa yung ulo niya sa sahig pagkatapos niya matamaan iyon. Binitawan ko iyong mga dala-dala kong inumin at dali-daling linapitan si Joseph, nagsimulang dumugo ang ulo niya at nagsisimula na akong mataranta nang dumating si Richard.

"Anong nangyare kay Rj!?"

Hindi ako makasagot ng maayos at nauutal pa pero nakuha kong sabihin kay Richard ang nangyare para matulungan si Joseph. Ibinuhat ni Richard si Joseph sa sasakyan niya at umalis na kami para madala siya sa hospital.

Nakarating kami sa hospital at dali-daling idinala ni Richard si Joseph sa Emergency Room. Hinintay namin ang doctor at sinabihan kami na inatake sa puso si Joseph pero dahil sa pagka untog niya ay nawalan siya ng maraming dugo kaya hindi pa maayos ang kundisyon niya.

Pinuntahan namin ni Richard si Joseph at nagsimula akong umiyak dahil pagpasok namin ay tumunog iyong machine at hindi na tumitibok ang kaniyang puso. Tumakbo ako palapit sakaniya at hinawakan ang kaliwang kamay niya na umiiyak.

"Rj! Diba sinabihan na kita na huwag mo akong iiwan!" sigaw ko at humagulgol sa iyak ko

Dumating iyong nurse at sinabing hindi na siya matutulungan dahil hindi siya agad naka rating sa hospital at naubusan na ng dugo.

Umiyak lang ako sa tabi ni Joseph hanggang sa nakatulog ako.

~~~~D~~~~R~~~~E~~~~A~~~~M~~~~

I was back at the hill crying while it was raining then I saw Joseph walking towards me with an umbrella. He gave me his umbrella and told me that i'll be with him soon. He kissed me on the forehead and left without an umbrella, I wanted to follow him but all I can do is cry and my body won't move at all.

Nagising ako sa kama ng isang hospital at nakita na natutulog sa tabi ko si Riley.

"Ano ginagawa ko dito?" tanong ko kay Riley habang ginigising siya.

Nagising si Riley at nanlaki ang mga mata niya.

"Akala ko matagal kapang matutulog diyan! Buti gumising kana kung hindi papatulugin na kita ng tuluyan kung magtatagal kapa ng isang buwan."

"Isang buwan? Gaano ba ako katagal nakatulog?" tanong ko kay Riley.

"Baliw halos isang linggo kana naka coma diyan! Sabi ko kasing huwag tanggihan iyong grasya baka ikaw ay madisgrasya, ayan hindi nga ako nadisgrasya ikaw naman nadisgrasya hays"

"So panaginip lang lahat ng iyon?"

"Nanaginip ka?! Hoyyy kwento mo, napanaginipan mo ba iyong mga dinidiscuss kong lesson natin sayo habang natutulog ka?"

Ikuwinento ko kay Riley lahat ng nangyari at kinailangan ko pang ulitin lahat nang dumating si Ria. Na sira yung preno nung bus na sakay ko noong lunes at na aksidente kami kaya halos lahat ng nakasakay doon ay nandito sa hospital na ito. Nalaman ko rin na Linggo ngayon at birthday pa ni Rj ngayon kung totoo nga iyong lalaki na nasa panaginip ko dahil si Henry Kit na kaibigan ni Riley ay hindi niya pala kilala at ibang kaibigan ang kasama niya noong Lunes.

Lumabas na ako ng kuwarto ko at nasa reception para madischarge na ako kasama sina Riley at Ria, at naka rating din si Kat na may dala-dalang pagkain para sa amin.

Pagkatapos ko kausapin ang receptionist at katalikod ko ay may nabangga akong lalaki na naka bendahe ang ulo at... Kamukahang-kamukha niya si Rj!

Napatitig ako sa kaniya dahil katulad niya talaga iyong sa panaginip ko.

"Sorry"

"Ah, okay lang" sagot niya.

"And happy birthday" mabilis kong sinabi na parang nag ra-rap ako.

"Thank you" napangiti siya sa sinabi ko kaya napa ngiti rin ako pagka kita ko sa dimples niya.

-THE END-

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon