Chapter 3: The Guy in my Dreams

5 2 0
                                    

Natapos na ang klase namin for today at hindi sasama si Riley kay Henri today kaya makakatulog ako sa bus dahil may kasama ako. Ginising na ako ni Riley nung malapit na kami sa stop namin para magising ako at hindi lutang habang bumababa ng bus at baka may makalimutan ako o mahulog na gamit ko at di ko mapansin.

Naglalakad na kami pauwi nung may napansin akong nakatayong tall guy na naka uniform doon sa may kanto, while I was looking at him I felt what I felt when I was having my dreams. I can see his face now, he has a clean cut hair style, makapal yung mga kilay niya, moreno siya, his eyes looks so expressive and he has a broad shoulder.

Nung malapit na kami sakanya napansin niya kame at saka nag wave at nag smile siya kaya nakita ko yung dimples niya.

"Hi im Joseph, Joseph Rafael Castañeda but you can call me Rj for short." sabi nung guy na nakita ko sa dreams ko habang inaabot yung kamay niya saakin.

"Hi Joseph! I'm Riley and may kailangan pa akong tapusin ngayon kaya mauuna na ako." sagot ni Riley habang nakikipag handshake kay Joseph at saka umalis pero napansin ko na nagtago lang siya sa malapit.

Iniabot niya yung kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap dahil hindi ko siya kilala.

"Hi... Joseph... Do I know you?"

"Ah im so sorry, ako yung katabi mo kahapon sa bus, at habang may kausap ako sa phone nakita kitang bumibili dito at nung natapos yung phone call ko nakita ko yung wallet mo kaso nakaalis ka na nung nakita ko iyon, and sorry dahil agad akong tumakbo kaninang umaga dahil malalate na ako sa klase ko." sagot ni Joseph habang kinakamot yong batok niya.

Hindi niya parin ibinababa yung kamay niya kaya tinanggap kona at nakipag shakehands.

"Ah thank you sa pagbalik sa wallet ko kaninang umaga at kumpleto rin yung laman kaya maraming salamat and sorry kung na late ka dahil kailangan mo pa akong hintayin para maibalik iyong wallet ko, I'm Charlotte Briar pala." sagot ko habang nag smile ng kaunti kay Joseph.

"Oh, no worries iyon lang naman dapat gawin ng mga tao kapag may ganoong situation." nag smile nanaman siya kaya lumitaw nanaman yung mga dimples niya.

"Oh yeah, yeah... So do I have like to treat you are something since binalik mo yung wallet ko at kumpleto yung laman?"

"Ah yon no no, hindi mo kailang gawin yon but if you want to i'll gladly accept it."

"Okay so ilibre nalang kita bukas kailangan konang umuwi." Nag aalala ako kay Riley kanina pa naka kuba doon sa sulok baka maging kuba na siya kapag nagtagal pa ako.

"Ah okay thanks Charlotte, eto yung number ko." may inabot si Joseph sa akin na papel kung saan naka sulat yung number niya.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa kaya pinuntahan kona si Riley na nagtatago doon sa sulok.

"Hoyyy bakit ambilis, ganon lang?" tanong sa akin ni Riley.

"Baliw! Tinapos ko talaga agad baka makuba kana diyan." sagot ko sa kanya pagkatapos paluin yung likod niya.

"Aray! ang sakit na nga ng likod ko pinalo mo pa! At hindi ko kayo marinig mula sa pinagtataguan ko ang hihina ng boses nyo kaya ikuwento mo sakin." sagot ni Riley sa akin with her angry face.

Kinuwento ko lahat ng pinag usapan namin ni Joseph kay Riley habang naglalakad kami papuntang dorm hanggang sa nakarating na kami at pumasok na.

"Ayieeeee, may date si Charlotte bukas!" pabirong sigaw ni Riley para marinig ni Ria.

Kaya napatakbo si Ria galing sa kusina na may daladalang baso ng tubig sa kanan niyang kamay at yung notes niya about Accounting sa kaliwang kamay.

"Weh!? Sino? sino?" tanong ni Ria sa aming dalawa.

"Si Joseph niya, mag dadate sila bukas kase ibinalik ni Joseph, Rafael, Castañeda yung wallet niya." pabebeng sagot ni Riley kay Ria.

"Hah!? Si Joseph Rafael Castañeda!? Famous yun sa school namin kase siya yung top student sa buong engineering students noong first year siya." gulat na sagot ni Ria at nanlaki ang mga kanyang mata.

"At sabay sabay nating sabihing..." sabi ni Riley

"Sanaol" sabay sinabi nina Riley at Ria.

"Hoy, patignan ng notes mo kopyahin kolang ha? Wag ka mag alala i-susummarize ko para agad ko maibalik sayo." sabi ni Riley at kinuha yung notes pagkatapos iabot ni Ria sakanya iyon.

"So saan kayo mag dadate? Anong gagawin niyo?" tanong ni Ria sa akin pagkatapos niyang ubusin iyong tubig na nasa kamay niya.

"Hindi ko alam wala kaming pinag usapan tungkol diyan." hindi kona siya sinumbatan nung tinawag niya itong date dahil inaantok na ako at tinatamad akong makipag away.

"Eh paano kayo mag kikita bukas? Ano ba talaga pinag usapan niyo?"

"Nag pasalamat lang ako pero ibinigay niya sa akin iyong number niya." kinuha ko yung papel na ibinigay ni Joseph kanina mula sa bulsa ko at ipinakita kay Ria at saka ilinagay na rin sa contacts ko.

"Dali tanungin mona siya! Hindi naman niya alam yung number mo kaya ikaw dapat unang mag text!"

"Hayaan mona hindi ko naman kilala iyon kaya hindi na ako makikipag meet plus sabi niya okay lang na hindi kona siya ilibre dahil feel ko inaantok talaga ako bukas."

"Itong antukin na ito, bahala ka diyan." sagot ni Ria at iniwan ako sa sala kaya pumunta na ako sa kuwarto ko para umidlip.

Ginising ako ni Ria after 15 minutes dahil natapos na magluto ng dinner namin si Riley at nagluto siya ng balatong. Sabay sabay kaming kumain ng dinner at hinugas ko yung mga hugasin after. Kinopya ko rin yung notes ni Ria bago ako mag hilamos at natulog.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon