Chapter 7: News

3 2 0
                                    

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ko.

"Charlotte tumayo kana diyan kung ayaw mong iwan kita!" sigaw ni Riley habang tuloy-tuloy yung pagkatok sa pintuan ko.

"Oo na!" sigaw ko para tumigil na yung pagkatok at tumigil na nga siya.

"Bilisan mo! Kanina pa umalis sina Kat at Ria para pumasok!"

Kinuha ko iyung phone ko para tignan yung oras pero lowbat siya! Chinarge ko ito bago ako lumabas ng kwarto ko.

"Anong oras na?" tanong ko kay Riley.

"6:58 am na po princess Aurora, 8:00 am po yung pasok natin today at may 1 hour panaman po kayo pero dahil 30 minutes po yung paglakad at biyahe natin papuntang PUP ay 30 minutes nalang po ang natitira." sagot ni Riley.

Kumain na ako ng breakfast ko which is hotdog, linuto yata iyon ni Riley dahil favorite ni Kat ito. Sinubukan kong ikuwento kay Riley yung panaginip ko pero pinatahimikan niya lang ako dahil baka tumagal daw ako sa pagkain.

Naligo na ako after kong kumain, usually 1 hr ako naliligo pero binilisan ko na talaga ngayon dahil iiwan ako ni Riley mag isa na malate. Natapos ako after 15 minutes at binilisan kong mag ayos at kinuha ko na yung phone kong naka charge kanina para wala na kaming babalikan ngayon.

Habang naglalakad kami papuntang bus stop ay doon ko palang naikuwento kay Riley yung panaginip ko.

"Seryoso? Siya talaga yung nasa panaginip mo? Bakit ako wala kong napapanaginipan na ganyan." sabi ni Riley pagkatapos ko ikuwento sa kaniya ang panaginip ko.

"Ewan ko, pero ayaw ko talaga si Henri. Kapag niligawan ka tanggihan mo! Pero sige bahala ka sayo parin yung choice."

Nanahimik si Riley at hindi na nagsalita pa hanggang sa mkarating na kami sa bus stop. Nung nakarating na kami sa klase namin saktong 8:00 am palang at wala pa yung prof namin kaya hindi kami nalate ngayon.

Kumakain na kami ng lunch ni Riley nung chineck ko yung phone ko at may message si Joseph sa akin sa Insta na sinend niya ng 6:55 am.

Naka tulog kaba agad last night?

Because strangely I fell asleep early last night.

It seems like my insomnia is starting to disappear.

Oh and the story I wanted to tell you last night.

I usually fall asleep at 5:00 am because of my insomnia.

But the night we ate shabu shabu I was just scrolling on Twitter, and I thought I should follow you...

I didn't found your twitter so I tried other social media and I found your Facebook and Instagram.

Your twitter was on your info on Insta that's how I found it.

But after I messaged you on Insta I instantly fell asleep.

Oh that's good for you then.

Ngayong nakakatulog na siya ng maaga hindi ko na kailangang isipin kung paano ko siya tutulungan makatulog ng maaga.

"Sino yang ka chat mo? Si Rj?Ano sabe?" tanong ni Riley.

"Andami mong tanong, kumain kanalang diyan." sagot ko kay Riley.

"Ahhh so si Rj nga... Ano daw mag dadate kayo uli? Dahil na sira date niyo kahapon dahil kay Kat?"

"Hindi, noh hindi ako niyayaya, may kwinento lang."

"Ay, oo nga pala!" itinuro ako ni Riley gamit nung kanang kamay niya.

"Kaya hindi ka agad nakauwi kahapon, kase hindi ka agad umalis nung tinext kana ni Ria!" tinatakpan ng kanang kamay ni Riley yung bibig niya habang tumatawa siya.

"Naglakad pa kase ako noh! Hindi katulad mo na sumakay lang ng sasakyan ni Henri!"

"Oo nah so hindi ako makakasama kay Henri sa Mang Inasal today?" sabi ni Riley na naka pout ang kanyang lips.

"Puwede naman, pero dapat ihatid niya muna ako sa dorm."

"Okay, sabihin ko na kay Kit." kinuha niya iyong phone niya sa bulsa niya at sinabi na kay Henri na kung puwede ba ako ihatid muna.

"Hoy! Joke lang, nakakahiya bakit mo nga ginawa?"

"Ayyy, di mo naman agad sinabi na joke eh, eto oh pumayag naman siya."

Tinapos ko nalang yung lunch ko dahil wala na akong magagawa dahil na sabi na ni Riley. At bumili na kami ng drinks namin para makapasok na sa next class

Natapos na ang class namin today at nasa gate na si Henri nung paglabas namin.

"Hi Riley, Hi Charlotte." sabi ni Henri.

"Hi Kit!" nag wave si Riley.

Nag wave at smile nalang ako dahil inaantok na ako at gusto ko na matulog.

Pinagbuksan kame uli ng pinto ni Henri at nasa likod uli ako at magkatabi sa harap yung dalawa. Nakatulog ako sa biyahe at parang sumakay lang ako ng bus na 10 minutes yung tulog ko pero ngayon ay hindi ko na kailangan maglakad ng 10 minutes pagkatapos matulog sa bus. Ginising ako ni Riley nung nasa harap na kami ng dorm at hindi na ako kinailangan gisingin ng advance dahil sa harapan lang naman ako maglalakad at kung may maiwan man akong gamit ay madadala ni Riley pauwi mamaya. Bumaba na ako ng sasakyan at nag wave sa kanila nung bumaba yung salamin sa tabi ni Riley.

"Hintayin niyo akong umuwi mamaya, huwag na kayong bumili ng ulam sa carinderia." sabi ni Riley habang nag wawave sa akin. Itinaas na uli yung salamin sa tabi ni Riley at umalis na sila kaya pumasok na ako sa dorm.

Pagpasok ko nakita ko si Ria na naka upo sa sala na nanonood ng kpop sa laptop niya. Nung napansin niya ako ipinause niya iyon.

"Charlotte! May balita ako sayo dito ka." habang tinatapik ni Ria iyong upuan.

Tumabi ako sa kanya at itanabi ko iyong bag ko sa isang upuan.

"Ano?"

"May balita ako tungkol kay Joseph! Athlete pala siya at kasama siya sa mga players nila last school year pero natanggal siya last sem dahil ata lagi siyang inaantok sa training nila. Pero kanina sa PE raw nila natalo niya yong record niya last year at balak nila kunin siya ulit." sagot ni Ria.

"So? Ano kinalaman ko diyan?"

"Baliw! Diba liniligawan ka non?"

"Anong liniligawan?"

Tinanggal ni Ria iyong pinapanood niyang kpop sa laptop niya at binuksan iyong twitter. Nag scroll down si Ria at may post na picture ko at si Joseph na kumakain ng cake. Iyong nangyari kahapon iyon! May nakalagay pa na caption na Rj got a girlfriend and having a date at Chingu Dachi Café

"Ano yan? Bakit ganyan yung caption, eh kakakilala ko palang diyan."

"Oo nga alam ko na hindi mo iyan jowa kase kung girlfriend ka nga niya edi sana kwinento mo na sa amin, or hindi mo ba kinikwento?" tanong ni Ria.

"Hoy di nga kami mag jowa, hayaan mo nalang iyan hindi na rin kami magkikita kaya huwag mo nalang pansinin." sagot ko kay Ria.

Kinuha ko na yung bag ko at tumayo nung maalala ko iyong sinabi ni Riley.

"May iuuwi nanaman na ulam si Riley today kaya huwag kang bumili ng ulam." sabi ko kay Ria at pumunta na sa kuwarto ko

Tinignan ko iyong phone ko at may message nanaman sa akin si Joseph.

Thanks!

Can I call you later?

You're welcome

And no.

T

inabi ko na yung phone ko at umidlip.

Deep Sleep InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon