Okay, unang-una sa lahat hindi ito huli o ikalawa kasi nga una.. De loko lang po. Ang totoo niyan, kababalik ko pa lang galing Bicol.. Umalis kami tas mga half and a week kami dun bago bumalik dito.. Kung binabasa mo to ngayon, Wow! Isa ka sa mga nagbabasa talaga ng author's note.. Gusto ko pong humingi ng sorry dahil dun, sa mabagal kong updates.. Salamat sa paghihintay at pagsuporta ng storya ko.. Sa mga nagvo-vote at nagco-comment kilala niyo na yung sarili niyo.. Aylabyu guys! <3 hihi! Dun naman sa mga silent readers, paramdam din naman kayo pag may time.. XD Yun lang ho, titigilan ko na itong mala-mmk kong author's note. Annyeong!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kaye's POV
" Ma'am Kaye andito na po pala kayo.. " sabi ni Manong Guard pagkapasok ko sa gate ng bahay namin..
" Ay! Hindi! Wala ako dito, picture ko lang to..! 3D! " Bad trip kong sagot at pumasok sa mismong bahay namin. Malamang naman diba. Alangang pumasok ako sa labas?
" Nasaan si mama? " tanong ko kay kuya quen na kasalukuyang nanonood ng tv.
" Malay ko ba. Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao..? " sagot niya.
" Seryoso ako tol. Asan siya? " sabi ko na medyo napipikon na..
" Nasa kwarto! Teka nga, ano bang meron? " hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumunta na sa kwarto..
Kailangan kong maliwanagan sa mga nangyayari.. Nalilito na ako..
" Mama, totoo ho ba? " panimula ko.. Napatingin naman sa akin si mama na mukhang nagtataka kung ano yung sinasabi ko..
" Totoo bang hindi mo talaga ako anak? " tanong ko. Nakita ko namang nagseryoso ang expression niya.
" San mo nakuha yan? " tanong niya..
" Ma, ako yung unang nagtanong wag ka munang magbigay nang follow up question.. Sagutin mo muna ako ma.. " sabi ko.. Napabuntong hininga siya..
" S-sorry.. " sabi niya at nagsimula ng humikbi. Kasabay ng pagiyak ko din..
" Ma! Bakit naman ganun?! *hik* Ang sakit-sakit! Na all this time yung tinuturing kong pamilya hindi pala talaga sila yung pamilya ko..? *hik* Kung ganun, hindi ikaw yung mama ko talaga..? Kung ganun, hindi ko rin papa si papa? Hindi ko rin kapatid si kuya Quen..?! " Napatingin naman ako sa pintuan kung saan nandun si kuya quen na mukhang wala ring alam sa mga nangyayari..
" Ma, nakita ko sila. Yung mommy at daddy ko daw.. Saka yung kakambal ko.. Kung nakita mo siya ma, carbon copy kami eh! Pero kahit ganun, naisip ko. *hik* Na naging mabuting magulang kayo sa akin, inalagaan niyo ako na kahit kelan hindi ko naramdaman na ampon pala ako.. " sabi ko..
" Anak.. " tawag sa akin ni mama at niyakap niya ako..
" Ma, dito nalang ako sayo.. Hindi ba pwedeng dito nalang ako forever..? Gusto ko dito ei.. " sabi ko ulit ng pumasok si papa at lumapit sa amin..
" Zharm, kahit masakit. Kailangan na nating ibalik si Kaye sa totoong pamilya niya.. Karapatan na ng mga magulang ni kaye na makuha siya. Sigurado namang aalagaan din siya nila dun eh.. " sabi ni papa..
" Pa, pinamimigay mo na ba ako..? " umiiyak kong tanong..
" Hindi anak.. Mahal ka namin ng mama mo pati narin ni quen pero eto ang tama.. " sabi ni papa at niyakap niya ako.
" Pag-iisipan ko pa.. Pero sa ngayon dito muna ako sa inyo.. " sabi ko at nag group hug kaming apat..
---------------------------------
Kate's POV
(KINABUKASAN)" Hindi ako makarecover.. " sabi ni Julie..
" Ako din.. " sabi naman ni Janella..
" Wag niyo na ngang pag-usapan yan. Malulungkot lang si Kate eh.. " sabi ni Seth habang tinotono ang gitara niya..
" Bakit naman siya malulungkot? " takang tanong ni Kiray.
" Siyempre siguradong mahihirapan silang maibalik sa kanila yung kakambal niya. Simula ba naman pagka-baby eh sa iba siya lumaki.. " sabi ni Lester..
" Eh sino ba naman kasi ang nagsabi na yun yung topic namin? " tanong ni Andrea.
" Eh ano ba yung topic niyo? " tanong ni Kats with matching kunot ng noo..
" Edi yung MV ng Call Me Baby! OMG! Naman talaga! " sabi ni Julie.
" Call me baby! Call me baby! " kanta at sayaw ng girls.. Hahaha. Napailing nalang sina Seth, JC, Les at Kats.
" Pupunta na daw dito si Daryll.. " sabi ni JC.
" Sino yun? " tanong ni Bianca..
" Yung bagong bassist namin na sinasabi kahapon. " Kwento ni Les..
" Ahh.. " tango- tango naming sagot..
" O, andyan na pala siya eh.. " sabi ni Kats..
" Daryll eto nga pala yung mga kabarkada namin.. Mga bregs, eto si Daryll. " pakilala ni Seth..
" Hey! " kanya-kanyang bati nina Julie. Samantalang ako shock na shock. Hindi ko akalaing siya yung Daryll na sinasabi nina Kats..
" Katelyn Padilla? " gulat ding tanong ni Daryll sa akin..
O M G
--------------------------------------------
Okay bitin.. Lagi naman eh.. XD Sorry dito, bangag pa talaga ako ngayon.. Bawi nalang next time..
Vote, Comment, and Follow..
10 comments
BINABASA MO ANG
Magical Destiny [ KathNiel ]
FantasyMagical Destiny - ikalawang libro ng Magical Academy na isa sa mga pinaka-una kong ginawang storya, at ang kauna-unahang storya kong natapos.. Hindi man ganun ka-bongga ang story line nung book 1, eh ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para mag-pas...