"Nasa langit na ba ako?" tanong ko.
Bigla namang napakunot ang noo niya na tila ba naglo-loading pa lang ata sa kanya yung sinabi ko. Maya-maya lang ay nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa.
"Hahahaha! Seriously?" nakangiti niyang tanong at siya na mismo ang nag-abot sa kamay ko para tulungan akong tumayo. Halos maglumpasay naman ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ko. Kaloka! Turn off mga beshy.
"Hehehe joke lang. Ang gwapo mo kasi masyado, napagkamalan tuloy kitang anghel." napaface palm na lang ako sa mga sagot ko. Hays! Tutal nasimulan ko naman na ang pagiging makapal, ipagpapatuloy ko na lang.
"Really? Haha thanks." sagot niya habang nakangiti pa rin sa akin. Napa-isip naman ako bigla. Hindi ba nangangalay ang bibig niya, kakangiti niya?
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko. Eh baka naman kasi may muta ako o ano maya-maya pinagtitripan na pala ako nento. Umiling naman siya.
"Wala naman." sagot niya. Hala siyaaaaaa! Ang cute ng tagalog niya.
"Hehe. Oki oki!" patango-tango kong sinabi. Pagkatapos ay namayani na ang katahimikan. Kaloka, ang lakas maka-end ng convo yung sagot ko. Kaya naisipan kong magsalita uli.
"Ahm mag-isa ka lang ba?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin uli at nakangiting umiling.
"May im-meet ako rito actually." sagot niya. Medyo nalungkot naman ako ng slight.
"Girlfriend?" medyo down kong tanong.
"Nope. Cousin." nakangiti na namang sagot niya. Minsan talaga hindi ko rin ma-identify kung nakakatuwa o nakakainis na yung pagngiti niya lagi eh. Pero bayaan na, gwapo naman. Bwahaha! Charooot!
"Ohhh~ nasaan na sila?" tanong ko.
"I'm not sure." sagot niya.
"Eh? Ba't hindi ka sure. Ang laki nitong mall oh. Baka abutan kayo ng siyam-siyam sa kahahanap. May number ka ba niya? Tawagan mo kaya." suggestion ko.
Kinuha naman niya yung phone niya at nagdial. Tapos napatingin siya sakin. 'Bakit?' sinabi ko ng walang tunog. Umiling naman siya at ibinaba ang phone.
"Wala pala akong load." halos matumba naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Kaloka, ang gwapo-gwapo walang load?! Char. Lakas maka-wifi. Wireless connection.
Agad ko namang kinuha ang phone ko at lumapit sa kanya ng konti. "Ako na lang tatawag. Ano ba number?" tanong ko at sinabi naman niya sa akin. Nang nitype ko na ay pangalan ni Kats ang lumabas. Nagtaka naman ako.
"Baka mali? Ulitin mo nga." sabi ko at binanggit niya uli. Pero yun talaga. "Teka, ano bang pangalan ng pinsan mo?" tanong ko.
"Katsumi. Katsumi Kabe. Bakit?" tanong niya.
"Halaaaaa! Eh isa siya sa mga kasama ko kanina. Magpinsan pala kayo?!" shocking kong tanong. "Ay teka, hindi pa pala tayo nagpapakilala sa isa't-isa eh kanina pa tayo magkasama." medyo natatawang sabi ko. Napangiti naman siya.
"True. Hahaha! Justin nga pala. Justin Reid." pakilala niya at inalok ang kamay niya.
"It's nice meeting you Justin. I'm Kaye Ashley Gil/Kathleen Padilla. You can call me Kaye." Page-english ko at inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.
"You have two names?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako at nag-shrug.
"It's complicated. Hahaha!" sagot ko na lang. Napatango-tango naman siya at ngumiti sakin.
"Oh~ I understand." sabi niya at hindi na nagtanong pa. Maya-maya lang ay nakarinig kami ng sigaw.
"INSAAAAAAAAAAAAAAN! INSAN KONG KASING GWAPO KO I MISS YOUUUUUU!" napalingon naman kami sa lalaking kasalukuyang nasigaw habang natakbo papunta sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Magical Destiny [ KathNiel ]
FantasyMagical Destiny - ikalawang libro ng Magical Academy na isa sa mga pinaka-una kong ginawang storya, at ang kauna-unahang storya kong natapos.. Hindi man ganun ka-bongga ang story line nung book 1, eh ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para mag-pas...