"Mananatiling Kalmado"

32 1 0
                                    

Mananatiling kalmado
Sa mundong maraming mapanghusgang tao
Mananatiling kalmado
Sa mundong maraming feeling perpekto

Gumawa ka man ng tama sa harap ng pamilya
Makikita parin nila ang mali na iyong ginawa
Pamilya na dapat saiyo ay sumuporta
Ngunit sila pa ang sa iyo ay humuhusga

Akalay totoo nang kaibigan
Ngunit ikaw lang pala ay sisiraan
Sa mata ng maraming tao tila ikaw pa ang may kasalanan
Walang ka alam alam at nahusgahan
Ikaw na tahimik at pagmamahal lang naman ang kagustuhan

Mananatili paring kalmado
Kahit gusto nang sumuko
Mananatili paring kalmado
Kahit gusto ng mawala sa mundo

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon