"WATTPAD"

50 4 1
                                    

WATTPAD, isang salita pitong letra
Mayroon itong lungkot, kilig at saya
Na makakapagpatunay sayo na wattpad lang sapat na
Dahil mapa-facebook man sikat sya

SAYA, saya ang una kapag nag babasa ka
Minsan mapapangiti ka nalang o mapapatawa pa
Magugulat nalang ang mga kasama mo sabay sabing "baliw kana"
Nakakatuwa, nakakatawa kasi di mo namamalayan nawala na sa isip mo ang problema

KILIG, kilig ang sunod sa saya
Dito na yung part na magkakagustuhan na sila
Yung tipong pigil-kilig ka kasi tulog na mga kasama mo
Yung magpupuyat ka matapos lang ito
Kikiligin ka kapag nagbabasa ng wattpad
Hindi mo namalayan nakangiti kana ng malapad

LUNGKOT, lungkot ang sunod sa kilig
Di mo alam lumuluha kana at mapapapunas pa sa iyong damit
Mararamdaman natin ang lungkot at luha
Unti-unting pumapatak ang likido sa ating mukha
Dito yung part na nasasaktan o iniiwan na
Kasabay ng pagpatak ng luha

Ang pinakahuli ay ang katapusan
Pinagsama dito ang kilig at kasiyahan
Na kina aadikan
Ng kababaehan pati narin ang kalalakihan

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon