Sana tayo nalang ulit

372 2 0
                                    

Muli kong naramdaman ang pagtulo na aking luha
Mula sa aking mga mata pababa sa aking mukha
Niyakap ko ng mahigpit ang aking unan saka humiga
Habang pilit na ngumiti at binabalikan ang mga masasayang ala-ala nating dalawa

Sana tayo nalang ulit ang laging nasa isip ko
Sa tuwing nakikita kita kasama ang bago mo
Ngingiti nalang at titiisin ang sakit
Makita lang kitang masaya sa bago mong ipinalit

Dumating ang isang araw na chinat kita
Ang bilis mong mag reply kaya labis ang aking tuwa
Sinabi ko sayo na 'tayo nalang ulit, sana'
Ang sabi mo 'ok maghintay ka'
Nagkaroon ako ng pag-asa
Na baka sakaling mag kabalikan tayong dalawa

Ilang araw ang dumating
Di kana nagparamdam ulit sakin
Sa Hindi inaasahan bigla kitang nakita
Kasama mo nanaman sya
At naramdaman ko nanaman ang likidong dumadaloy sa aking mukha

Ngayon tanggap ko na
Na Hindi tayo para sa isat- isa
Na sa kanya ka at ako at sa iba
Kaya ang salitang "sana tayo nalang ulit"
Ay aalisin ko na at tatanggapin nalang ang sakit

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon