Bobo ka

501 9 0
                                    

BOBO ka sa Math,
Dahil dalawa kaming minahal mo.
Kahit ako lang dapat.
Wala kang alam.
Isa kang mangmang.
Dahil ang X sa matematika lang may halaga.
Pero sa totoong buhay,hindi iyan binibigyang importansya.
Kaya sa susunod,makinig ka sa klase.
Para malaman mong numero ang binibilang.
Hindi babae.

BOBO ka din sa Filipino.
Inihahalintulad mo ako sa wikang ito.
Nilimot mo ako at gumamit ng ibang diyalekto.
Pinalitan ng bago na papalit sa aking puwesto.
Wala talagang laman yang utak na nasa iyo.
Ni hindi mo alam ang pinagkaiba ng 'NG' at 'NANG'.
Kaya hindi mo rin alam ang pinagkaiba ko sa babae mong kinulang sa aruga at buwan.
Kaya ikaw,bigyang pansin mo naman ang wikang Filipino.
Para hindi kalang basta babaero.
Kundi babaerong makabayan kahit papaano.

BOBO ka rin sa ESP.
Bagsak ka sa asignaturang ito.
Napakababa ng iyong grado.
Hindi ka rin nakikinig.
Kaya hindi mo batid ang ibig sabihin ng tunay na pag ibig.
Hindi mo din alam ang konsensiya sabagay,Hindi ka naman nagdalawang isip nang pinagsabay mo kaming dalawa.
At higit sa lahat,pinag aralan nyo rin ang kalayaan.
Pero hindi ibig sabihin nito na Malaya kang manakit ng kababaihan.
Kaya sa susunod, pumasok ka sa oras ng ESP.
Para maging tao ka naman.

BOBO ka din sa asignaturang Mapeh.
Dahil kahit ako na ang iyong kasayaw.
Sinabayan mo pa rin siya sa paghataw.
Dahil kahit sabay na tayong kumakanta.
Tumigil ka't tinuruan siya ng musika.
Alam mo,sa lahat ng matalino.
Ikaw ang BOBO.
Sa lahat ng may talento.
Ikaw ang hindi marunong makuntento.
BOBO KA.
Pero mas BOBO ATA AKO.
Dahil kahit ilang beses mo na akong niloko.
Binabalikan pa din kita at tinuturuan.
Kahit di ka matuto~tuto.


Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon