"Sinubukan"

802 11 0
                                    

Sana noong una palang sinubukan ko na
Subukan na sabihin sayong gusto parin kita
Ngunit pinangunahan ako ng pangamba
Takot at kaba

Sinubukan kong kunin ang loob mo para mapansin mo ulit ako
Sinubukan ko rin gayahin ang mga kinahihiligan mo
Para mapunta naman saakin ang atensyon mo

Sinubukan ko ring ikaw ay kausapin
Palaging nagpapapansin
Pero ni isang katiting
Hindi ka man lang tumingin saakin

Hanggang sa nagsawa na akong sumubok ng paulit ulit
Nakakapagod na at nakakasakit ang pumilit
Nagbabakasali lang naman akong baka maging tayo pa ulit

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon