Solutan sa tropa

618 13 3
                                    

Bes, kamusta na kayo ng ex ko?
Ex ko na itinapon ko na
Dinampot mo pa
Ano ka sagip kapamilya?
Na ex na ng tropa pinatulan mo pa
Ex ko, ex mo din?
Ano ito lokohan, lahat nalang iyong sasagipin?
Masyado ka namang mabait para lahat sila ay mahalin
Hindi na pag ibig ang tawag dyan tropa
Solutera ka na!
Sabi ko naman sayo bes itigil mo na
Itigil mo na ang manulot ng tropa
Tapos iiyak ka?
Mag mamakaawa ka?
Para patawarin kita?
Pinagkatiwalaan kita
Bes, akala ko ba walang solutan?
Itinuring pa naman kitang tunay na kaibigan
Pero ikaw mismo sumira ng ating samahan
Hindi na kita kikilalanin na tropa
Dahil wala akong kaibigang solutera!
Pero wala na akong magagawa
Dahil kayo na
Pakatatag nalang sa inyong dalawa
At sana hindi na ito maulit pa
At bago pa matapos ang tulang ito
May nais lang akong sabihing sa inyo
Para sa mga solutera at solutero
Saludong saludong ang gitnang daliri ko.


Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon