"Pasko"

1K 18 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin
Sa lamesa ay maraming pagkain
Maliwanag ang kapaligiran
Na mas lalong nag papasaya sa mga kabataan

Tuwing sumasapit ang pasko
Marami ang nagsasalo- salo
Nag papalitan ng mga regalo
At sabay sabay magsasabi ng maligayang pasko

Mga pinagsama-samang handaan
Sa lamesa ay napunuan
Wala nang mapag lagyan
Dahil sa dami ng handaan

Sabay sabay mag bubukas ng regalong
Galing sa mga ninang at ninong
Lahat maiingay walang bumubulong
Isabay pa sa ingay ng sing along

Nakakatuwang isipin na kompleto sa pasko
Dahil nakikita mo lahat ang mga importante sayo
Sana ganito nalang ulit
Sa susunod na darating ang pasko

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon