Babae ka

437 3 2
                                    


Tih, babae ka
Kung gusto mo irespeto ng lalaki umayos ka
Tih, babae ka
Magsuot ka naman ng mahahaba
Kaya tih babae ka
Sana alam mo ang iyong ginagawa
Wag kang mag huhubut-hubat sa harap ng madla
Dahil ang katawan mo ay hindi basta basta pinapakita sa iba!
Tih, iniingatan yan hindi ibinabalandra!
Mag popost ka ng picture mo na sexy ka
Tapos pag binastos ka ng mga lalaki ikaw pa ang galit sa kanila
At madadamay pa ang mga inosenteng babae sa iyong ginagawa
Hindi ka nakakatuwa!
Nakakaawa ka!
Kung hindi ka kayang irespeto ng iba
Irespeto mo nalang ang iyong sarili para sa iyong ama at ina
Alam kung nahihiya ka sa mga panlalait o pangbabastos nila sayo
Pero hindi yun dahilan para saktan mo ang sarili mo
Dahil pwede pa naman mag bago
Magbago ka ng iyong pagkatao
Kasi kung alam mo sa sarili mo na kating kati kana
Pigilan mo, wag mo agad ibuka
Dahil pagkatapos ng saya at sarap
Ang kapalit nito ay ang paghihirap
Tih, babae ka
Irespeto naman sa iyong sarili pati sa iba
Dahil ikaw lang yung masasaktan sa huli at hindi sila.

SALAMAT.😊

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon