Chapter 16

795 9 0
                                    

KANINA PA PAIKOT-IKOT ang babae at hindi alam ang gagawin. Kanina pa nito tinitingnan ang cellphone kung tumawag na ang private investigator na kinuha para imbistigahan ang babae kuno ng anak niya. Hindi siya makapaniwala na dalawang buwan na wala paring balita. Ilang PI na ang kinuha niya pero lahat walang silbi!

Mahal na mahal niya ang anak at hindi siya makakapayag na kung sino lang na babae ang manloloko sa anak. Lahat gagawin niya para sa mga anak.

Kriiiinggg!

Dali dali niyang kinuha ang cellphone dahil baka ang hinihintay na niyang tawag iyon, pero ng makita ang tumawag, napangiti siya.

Calling sweet Barbie doll

Napangiti ito at kaagad sinagot ang tawag.

"Hello anak! How are you there?"

Masaya niyang sabi. Lagi naman siyang tumatawag sa isa pa niyang anak. Her Barbie doll, she's 14 years old she's living in a province. Sa lugar na malayo sa Maynila malayo sa dating asawa niya. Well mag asawa pa naman sila dahil hindi pa naman annul ang kasal nila. Hindi nito alam na may isa pa silang anak. Ng iniwanan siya nito para sumama sa babae nito ay buntis na siya at kahit siya hindi niya alam. Nang malaman niya balak niya sanang sabihin dito para bumalik ito pero pinigilan siya ng anak niyang si Tres.

"Tell him mom about your pregnancy and I'm leaving this house for good! You will never see me again kapag sinabi niyo ang about kay Barbie!"

Sigaw ng anak sa kanya habang siya iyak ng iyak. Muntik na siyang makunan dahil sa depression buti nalang nandiyan ang anak para alalayan siya. Nang makapanganak nakapag desisyon sila na ipaalaga si Barbie sa katulong nilang si Yaya Mameng kahit masakit sa kanya wala siyang magawa dahil para din naman ito sa anak niya. Sabi ni Tres, hindi daw dapat malaman ng asawa niya na may isa pa itong anak. Ito na daw ang ganti namin sa kanya dahil sa ginawa nito.

Nasa malayong probinsya nakatira si Yaya Mameng kaya sigurado silang hindi malalaman ng asawa niya ang existence ng anak.

"Okay lang ako mama! Kailan niyo ako bibisitahin ni kuya Tres?"

Magiliw na sabi nito. Napangiti naman siya. She really miss her Barbie doll.

"Soon anak, may problema pa kasi dito. Tumawag ba ang kuya Tres mo?"

Baka alam nito kung nasaan ang anak, close silang dalawa kaya siguradong alam nito, sana.

"Yes mama, lagi siyang tumatawag pero wala naman siyang nabanggit kong saan siya. Bakit ma?"

Curious nitong sabi.

"Kung tumawag anak sabihin mo kung nasaan siya ha? Wag mong sabihin na tinanong ko."

Marami pa silang pinag usapan bago niya binaba ang tawag. Ilang sandali tumunog ulit ang cellphone niya kaya sinagot kaagad ito.

"Ma'am I'm from PIA agency ma'am, ako po yong binayaran niyo para sa impormasyon tungkol sa babae ng anak niyo."

Natuwa siya dahil baka may impormasyon na.

"Ano? Nakilala mo ba? Anong pangalan, background?"

Ayaw niyang magaya ang anak sa  sa ama nito, kung puwedi niya  namang maagapan bakit hindi, lalo na't mas boto siya kay Samantha, mabait ito successful at galing sa respetadong pamilya.

"I-iyon nga po m-ma'am, ahhh"

Hindi nito alam kong sasabihin sa ginang. Ilang PI na siya pero wala paring nangyari sa investigation. Kumunot naman ang ginang parang alam na niya.

My Sweet María (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon