Chapter 23

617 6 1
                                    

Maria Salvatore


"I JUST want to have dance with you Miss. C'mon."

Saka ako hinawakan sa braso, kaagad ko namang iniwas ang braso dito na hindi ata nito nagustuhan kaya tumalim ang mga mata nito. Kaagad akong natakot at tiningnan ang mga kaibigan sa dance floor pero ni isang bulto ay wala akong nakita na lalo kong ikinakaba sa takot. The man in front of me was very scary, the way his eyes glaringly at me like his going to devour me any moment makes my body trembled in fear.

"I-i j-just want to be a-alone." I said while my voice trembling in fear that the idea of the man grab me and force me.

"I change my mind. I don't want to have dance with you anymore but something that you would love too. That makes your body convulse in pleasure." Saka ito lumapit sakin. Kaagad akong tumayo at aalis na sana para hanapin ang mga kaibigan at makalayo sa lalaki pero kaagad ako nitong hinigit at hinawakan pa sa bewang nang mahigpit na lalo kong ikina taranta sa takot.

"Don't touch me and leave me alone!" Hindi ko na natiis na sigawan ito para mapansin nang mga tao ang pamimilit nito pero ang mga taong nakakita ay wala man lang pakialam. Nagalit ito at kaagad akong mas hinila para halikan pero pilit akong umaalis sa bisig nito at pilit kumakawag kaya hindi nito nagawa ang nais na halikan ako. Napuno ata ito kaya nagulat ako nang bigla niya akong sampalin nang malakas kaya natumba ako sa sahig. Napaiyak ako habang hawak hawak ang pisnging sinampal nito, anong karapatan niyang pagbuhatan ako nang kamay? Hinigit niya ulit ako at hahalikan na sana pero kaagad kong iniwas ang ulo kaya sa leeg ko napunta ang mga labi nito, nagulat ako kaya mabilis ko siyang tinulak habang umiiyak. Masakit ang pisngi ko at siguradong namumula na siguro iyon.

Namula ang mata nito sa galit at lalapit sana ulit sakin pero pinagbantaan ko ito.

"Subukan mong lumapit at sa kulungan ang punta mo!" Pero imbis na matakot ay ngumisi lang ito nang nakakatakot. Takot na takot ako sa oras na iyon at halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak dahil ayaw talaga akong tigilan nito.

" T-ulong! " Pinilit kong sumigaw kahit nanginginig na ang boses ko sa takot. Pero parang bingi ang mga tao na imbis na tulungan ako ay tumatawa pa ang mga ito. Umatras ako nang humakbang ito papalapit sakin na nakapaskil ang demonyong ngisi. Gusto kong tumakbo pero halos hindi ko na magalaw ang mga binti. Kaya wala akong nagawa kundi umiyak nalang nang umiyak habang umaatras. Nang makalapit ito ay kaagad niya akong hinila patayo at kakaladkarin na sana pero tila natigilan ito. Umiiyak parin ako na nakayuko kaya hindi ko alam kong bakit ito tumigil. Pilit kong kinukuha ang kamay dito pero mahigpit ang kapit nito na sa tingin ko ay namumula na siguro dahil sa higpit nang hawak nito.

"Let her go or else!" Tila ako matutumba sa pagkakarinig nang boses nito. Mas lalo akong umiyak dahil boses palang kilalang kilala ko na. Nakaramdam ako nang pagiging ligtas sa oras na iyon at pagka sabik.

"Dude, huwag kang makialam sa away namin ng girlfriend ko!" Matigas din na sabi nang lalaking nanakit sakin. Kaya dali dali akong tumingin sa lalaking bagong dating at bakas sa mukha nito ang galit na kapag hindi pa ako binitawan nang lalaki ay talagang hindi nito magugustuhan. Umiiyak akong tumingin kay Tres at umiiling iling na pinapahiwatig na hindi totoo ang sinasabi nang lalaki. Kita kong umigting ang panga nito sa galit nang mapatingin sa pisngi kong namumula dahil sa lakat nang pagkakasampal ng lalaking hawak hawak parin ako sa braso.

Kaya nagulat nalang ako nang walang salita niya akong hinigit sa lalaki at sinuntok ito nang malakas dahilan nang pagsisigawan nang mga nakakita. Maingay ang paligid pero naramdaman ata nila ang kumusyon dahil hindi basta bastang tao si Tres. His Tres Marcus Samaniego one of the richest man in Asia at laging laman nang news ang mukha kaya imposibleng hindi siya kilala nang mga tao.

My Sweet María (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon