Chapter 20

714 9 0
                                    

Maria Salvatore


"SO, TRES. How did you meet my friend Ria? We didn't know that your with her"

Biglang sabi ni Fe. Bigla nalang tumibok nang mabilis ang puso ko, paano kong magtanong tanong pa sila? paano ko sasagutin? alangan namang sabihin kong hinihiram ko muna siya kay Samantha sa fiance nito. Napayuko ako dahil sa hiya. Alam ko namang mali ang makipag apid sa may karelasyon na pero mahal ko talaga si Tres. Hindi ako mapakali sa kinauupuan habang hinihintay ang sagot nang lalaki.

"We meet in her flower shop"

Simpleng sabi nito saka ako inakbayan. Hindi parin ako makatingin sa mga kaibigan dahil hindi ko alam ang gagawin at sasabihin.

" So, What's your relationship with her?"

Seryoso ring sabi ni Jona kaya wala sa sariling napatingin ako sa kanya na hindi ko na sana ginawa dahil nagtagpo ang mga paningin namin at ang amusement na nakikita ko kanina ay nawala na at naging seryoso, ganoon din si Fe na tila na realize na nang mga ito ang mali sa aming dalawa. Napakagat labi ako at hindi naiwasang tumulo ang luha dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko akalaing dadating ang araw na magiging ganito ka baba ang tingin ko sa sarili ko.

"J-jona, Fe, c-can we talk privately?"

Mahinang sabi ko. Ayaw ko munang marinig kong ano mang isasagot ni Tres baka masaktan lang ako. Alam ko namang mahal niya ako dahil nararamdaman ko iyon pero alam kong nagdadalawang isip ito dahil kay Samantha. Ilang buwan palang kaming magkakilala at sila ni Samantha mga walong taon na, ano namang laban ko doon? Sa tingin ko nga baka confused lang ito sakin at iyon ang pinakamasakit sa lahat na sana sa awa nang Diyos huwag mangyari.

"Of course, we should Ria, but it can wait. So, Tres. What's your relationship with my friend? "

Hindi ko alam kong anong sasabihin dahil sa sinabi ni Jona. Tila hindi rin alam ni Tres kong paano sasagutin ang tanong nito.

"I think we should talk to Ria first?"

Alangang sabi ni Fe kay Jona nang mapansing tahimik lang si Tres at hindi alam kong anong isasagot sa tanong nito. Hindi ko man aminin pero nasasaktan ako sa pananahimik na naman nito. Basta talaga ang fiance ang usapan hindi kaagad ito nakakapagsalita. Gusto kong maiyak dahil sa awa sa sa sarili ko pero hindi ko hahayaang makita ako ni Tres sa ganoong sitwasyon. Ginusto ko to kaya magdusa ako sa kagagahan ko. Magsasalita pa sana si Tres nang kaagad na tumunog ang cellphone nito kaya kinuha nito  sa bulsa at halos manlumo ako nang makitang si Samantha ang caller. Dali dali itong tumayo at nag excuse at para sagutin ang tawag.

Mahabang katahimikan ang namayani nang umalis ang lalaki at kami nalang tatlo ang naiwan. Tahimik ang mga ito na tila hinihintay na magsalita ako.

"Y-you can lecture me all you want, a-alam ko namang mali ang ginagawa ko pero hindi ko mapigil ang sarili."

Mahinang sabi ko saka bumuntong hininga.

" To what you've said in my unit, that Tres is your boyfriend, I thought your just joking. Hindi mo naman siguro maikakaila na alam nang lahat ang tungkol sa kanya at sa fiance nito dahil sa status nila sa Sociedad. They are not small people Maria , they are beyond our reached. Kaya tinawanan ka namin nang sinabi mong boyfriend mo siya, at saka 8 years in relationships hindi basta basta yan."

Alam ko naman yon. Hindi ko namalayang unti unti nang tumulo ang mga luha ko hanggang sa humagulhol na ako nang iyak dahil sa sakit na nararamdam. Kaagad namang lumapit ang dalawa at pinapatahan ako.

"He is Tres Marcus Samaniego Ria, he's not someone na madali nating maabot, baka sa huli masaktan ka nang sobra at hindi na makabangon. Ikaw lang iniisip namin. Oo napaka gwapo ni Tres at hindi lang naman Ikaw ang nagkakagusto sa kanya kami din naman, pero hanggang illusion lang kami dahil mahirap maabot ang mga katulad niya."

My Sweet María (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon