Chapter 3

27.2K 807 42
                                    

AFTER THE chaotic breakfast with Mikael's family, walang ibang naramdaman si Ezecquiel kundi ang mag selos sa kung anong klaseng pamilya ang meron sila. Ezecquiel can't remember when was the last time they dine as a whole family. It was always, her father, her mom and her brother, Ciel.

"Ihahatid kita sa unit ni Kade."

Bumalik sa wisyo si Ezecquiel dahil sa boses ni Mikael. Kakatapos lang nitong maligo. She smiled a little and nod her head.

"Sige, ayoko din naman umuwi sa —" mabilis siyang umiling nang may maalala. "uuwi ako sa amin. Doon mo nalang ako ihatid. Shit! Si Mama Grace! Baka nag-aalala na 'yon sa akin!" she panicked.

Hindi siya naka uwi kagabi, malamang ay hinahanap na siya nito!

"Okay, ihahatid kita sa bahay niyo." he shrugged.

"Kaya ko na, magpapasundo nalang ako. Ahm... pwedeng pahiram ako ng cp mo?" nakangiwing tanong niya rito.

Mikael looked at her weirdly. Bago nito i-abot sa kanya ang cell phone nito. She immediately dialed her Mama Grace phone number, mabuti nalang at kabisado niya ito. Ilang beses lang itong nag ring bago nito sinagot ang tawag niya.

[Sino 'to?] maangas na tanong ng nasa kabilang linya. Ezecquiel can't help but to smirk, she cleared her throat and tried to change her voice.

"Hawak ko si Quiel."

[Nice try, Ezecquiel. Nasaan ka? Bakit hindi ka kasama ng Tatay mong hilaw kagabi?] now she sounded like a real mother.

"That motherfucker! Binugaw ba naman ako!" biglang sigaw niya.

Mikael shushed her.

Narinig niya ang malalim na paghinga ng nasa kabilang linya. Her Mama Grace must be trying to calm herself, para hindi nito maibitin patiwarik ang ama niyang walang puso sa sariling anak!

[Okay ka lang? Hindi ka naman ginalaw ano?] kalmadong tanong nito.

Ezecquiel chuckled. "Mama, ako pa ang gagalaw sa kanya. Sa aming dalawa mas matindi ang pagnanasa ko."

Lumabas si Mikael mula sa closet nito, he was wearing a fitted jeans paired with black long sleeve turtle neck with black leather jacket. May suot itong relo at may suot itong hand gloves sa kaliwang kamay. He was brushing his hair using only his fingers and goodness gracious! Save her from temptation! Mikael Hunter is so freaking hot with a different level!

[— sana buhay ka pa. Ezecquiel!] nabitawan niya ang cellphone ni Mikael dahil sa biglang pagsigaw ng nasa kabilang linya.

Mikael walk towards her and picked up his phone, tinignan niya lang 'yon bago inabot ulit sa kanya. Nakangiwi si Ezecquiel habang nakatingin kay Mikael. Damn, masyado siyang natulala sa kagwapuhan nito!

"Mama, pauwi na ako." was all she can say and ended the call. "Mikael..." she called his name and handed his phone to him.

"Let's go?"

Ezecquiel gulped. "Pupunta ka ba mamaya sa Infinite track?" she asked.

Lumingon sa kanya si Mikael habang inaayos ang leather jacket na suot nito. "I'm not going to join the race tonight. Manonood lang ako."

A cold smirk stretched on her lips. "Then, watch me beat my brother ass."

Lumabi lang si Mikael sa kanya. "Gimme a good show, babe."

LCS 6: Mikael Hunter Salazar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon