Chapter 5

29.2K 859 99
                                    

A/N:

Ito ata yung Chapter na sobrang sabog ko haha. Pasensya na kung sabaw mga mare 😂

EZECQUIEL STARED at her self in the mirror. Ilang beses na siyang nagpapalit palit ng damit, she wants to look gorgeous in Mikael's eyes. Yung tipong hindi na ito titingin pa sa iba. Lahat ng pambabae na damit na ibinili sa kanya ng mommy niya ay nakalatag sa kama, at ang mga mamahalin na sapatos ay nasa lapag.

"Akala ko ba makikipag kita lang? Mag jogging pants ka nalang at tee shirt." turo ng Mama Grace niya sa clothing rack niya kung saan nakalagay ang mga oversized tee shirt niya.

"Mama Grace! Hayaan mo na ako." she hissed playfully.

Nakailang subok pa siya ng dress. But in the end she choose to wear something comfortable. A high waisted faded blue maong short and white sando, na pinatungan niya ng puting oversized na long sleeve polo. She let her hair loose and wear a simple necklace. Pagtapos ay isinuot niya ang puting converse.

"Maganda ka kahit anong isuot mo. Lagi mong tatandaan 'yan, Ezecquiel." masuyong hinaplos nito ang buhok niya. Her hair is getting longer, mukhang magpapasama pa siya kay Mikael na magpa salon.

"Thank you!" she shouted and hug her Mama Grace.

This woman really knows how to boost her confidence, unlike her real mom who doesn't know a thing about her. She softly sighed as she waited patiently for Mikael. Her heart is thumping inside her chest. Yung mga day dreams niya noon unti unti nang nagiging totoo. She hates the fact that her Father, used her, binugaw to be exact, na para lang siyang manika na ipapagamit sa iba, para lang manalo ang talunan niyang anak sa karera. Napakababaw.

But somehow, she's thankful. Dahil doon, nalapitan na niya si Mikael. Hindi na niya kailangan mangpanggap na lalaki at makipag karera dito para mapalapit kahit ilang segundo o minuto lang.

"Kagabi... ayaw ko na sanang buksan 'to, pero hindi mawala sa isip ko. Ano'ng pinag usapan niyo? Galit ka pagkalabas mo ng office."

Ezecquiel gulped and sighed.

"As usual. They want to use me so that bastard will win the race. They want me to use my body and convince Mikael after to lose. May sariling utak si Mikael, kahit gamitin ko pa ang katawan ko, balewala lang 'yon." she snapped. "That bastard brother of mine, tinutukan ako ng baril sa sentido."

"Tumatanda ng paurong ang kapatid mo." sarkastikong sagot nito sa kanya. Ezecquiel chuckled and nod her head.

"Mama... I need your help. Baka hindi muna ako makauwi pagkatapos nito." paalam niya. "I have a plan."

Hinila niya paupo sa kama ang Mama Grace niya at sinabi ang buong plano niya. Now that she have someone she can use to back her up, without getting caught, malakas na ang loob niya na gawin ang lahat ng gusto niya. Ezecquiel had enough of her parents controlling attitude, at sawang sawa na rin siyang pakisamahan ang kapatid niya.

"Okay." nakahinga ng maluwag si Ezecquiel nang pumayag ito sa gusto niya.

Nakangiti nang bahagya si Ezecquiel habang pababa siya sa hagdanan. Kanina pa pala dumating ang lalaki sa bahay nila pero wala ni isa man lang ang tumawag sa kanya, kung hindi pa nag text sa kanya si Mikael ay malamang nakatulog na ulit siya sa loob ng kwarto.

Ezecquiel straighten her back and act like a lady her mother wants her to be. A lady that screams perfection. But she's not. And only few people knows that.

LCS 6: Mikael Hunter Salazar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon