Simula

180 2 0
                                    

'Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan


I strummed my guitar habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Pinatay ko ang ilaw sa buong bahay at tanging sa bintana ng apartment ko lamang nakaupo. I looked at the moonlight that shines a bright, tumatama sa hindi lamang sa pisikal kong anyo, tagos sa kaluluwa ko.


Ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan


Bakit kaya ganoon? All I want is to be loved by someone who can withstand and understand my flaws while doing the same thing to that person. Kahit anong gawin kong pagtitiwala sa pag-iibig, binibigo pa rin ako nito ng tuluyan, tila napaglalaruan. Hindi pabor sa sarili kong kasiyahan.


Pag-ibig ko'y walang kamatayan
Ako'y umaasang muli kang mahagkan


Ilang taon na ba ang lumipas? Pito? Anim? I don't know anymore. Sa tinagal-tagal ng panahon nilisan namin ang isa na nilulugmok ng pagsubok, nagkaroon na ng lamat ang aking isip at puso. Ngunit kahit anong gawin kong paglimot, I'm still stuck at the past, still remains in the nightmares that we last shared. Siguro nga, totoong may saysay ang isiping, nakakalimot ang memorya pero hindi ang pag-ibig. The moment you knew that you still love the person eventhough matagal na panahon na kayong tinangay ng hangin sa alapaap, proves that love is something that has a peculiar form.


Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan


Garalgal na ang boses ko but I still want to continue singing. I don't know kung bakit ako nagiging ganito ka desperado na umaasang babalikan pa namin ang isa't isa. Oras na ang nagsasabi kinakailangan pero paano? Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong nabalitaan kong ikakasal na siya sa iba.


Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas at kailanman


"A-ang sakit sakit na, Poochie." Naiiyak na saad ko sa pusang mataman lamang na nakatitig sa akin. Mas lalo pa itong lumapit and rubbed his body while keep meowing.


Bumaba na ako mula sa bintana at ipinatong ang gitara sa lamesa. Gagawi na sana ako ng sink para maghilamos when my phone suddenly beeped. Kaagad ko itong chineck at napaluha muli sa nakitang notification. Headline pa lang ang nababasa ko pero alam ko na kaagad kung sino. I instantly clicked it to see more details at bigla akong nanginig sa nakitang litrato. This can't be.


Binitiwan ko ang cellphone at naitakip ang dalawang palad sa aking mukha, napahagulhol ako. He's dead.

IKIGAI Series #1: EstrangheroWhere stories live. Discover now