5

109 1 0
                                    

Patuloy lang ako sa pagyakap sa malaking teddy bear na may katigasan. Inamoy-amoy ko pa ito at sinamyo ang bango. Amoy cologne ng lalaki pero ang bango.

Sa sobrang relaxation na binibigay nito ay agad ko itong hinimas. Nagulat ako nang bigla itong umungol gamit ang baritonong boses. Teka?! Nagsasalita na ba ang mga stuff toys ngayon?

Patuloy ko lang itong ginagawa hanggang sa lumakas nang lumakas ang mga ungol nito. Medyo naaasiwa na ako kaya naman ay kahit inaantok pa ay minulat ko na ang aking mga mata.

Tumambad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Kiernan habang kagat labing nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong napabaling sa aking mga kamay na nakahawak sa abs niya. He's topless at tangng boxer short lamang ang suot.

"Ahh!!" Gulat na sigaw ko tiyaka siya pinagsisipa paalis ng kama ko.

"What the heck?! It hurts." Daing niya pero 'di ko pinansin. Kinuha ko ang unan at tinapon sa mukha niya.

"Manyak!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Kinuha niya ang unan at tinapon pabalik sa akin pero 'di naman gaanong kalakasan.

He comb his hair using his fingers kaya nagpakitang gilas kaagad ang biceps nitong namumutok na at ilang buhok sa kili-kili. Agad akong napalunok sa nakita at napaiwas ng tingin. Tumayo siya and gave me a playful smirk.

"Pervert? Me?" Tinuro niya pa ang sarili niya. "E ikaw nga 'tong himas ng himas sa abs ko eh."

Tinaliman ko ang tingin sa kaniya. "Hindi yun mangyayari kung hindi ka tumabi sa akin. Pwede namang iwasan yun pero pinabayaan mo lang."

Naiiling siya at kinuha ang damit na suot niya kagabi tiyaka swabe iyong sinuot. "Whatever, besides I really liked it though."

Hindi ko na nakayanan pa ang pambabara nito sa akin kaya dali-dali na akong pumunta sa banyo at sinarado iyon. Napatingin ako sa mukha kong pulang-pula na.

"That bastard is really enjoying pissing me off." Bulong ko. Napahinga na lang ng malalim nang biglang maalala ang nangyari kagabi. So it's real. He kissed me.

And why did he do that?

Medyo nawe-weirduhan ako ng kaunti sa mga kinikilos niya. Is he gay? He fucking kissed me and even said na nagustuhan niya ang ginawa ko kanina. But to think of his appearance. Straight pa siya sa flagpole kaya siguradong hindi siya bakla. Baka nami-misinterpret ko lang o baka nagiging judgemental na naman ako.

Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay minadali ko na ang sarili upang makalabas ng banyo. Naghilamos na ako at nag toothbrush. Magkalapit pa naman kami kanina, baka naamoy niya yung hininga ko.

Nang makalabas ay nakita ko siyang nakaupo sa kama while on his phone. Napansin ata nito ang presensiya ko kaya napabaling siya sa akin. He scan me from head to toe kaya bigla akong nailang.

"I was about to wake you up earlier but you are sleeping soundly," Tipid akong tumango.

"I already cooked a breakfast from your kitchen, hope you don't mind." I scowled while looking at him. Pumunta ako sa kusina at nakita ang ham, egg at tiyaka fried rice sa mesa. May fresh milk pa sa gilid.

Pinakialaman ba nito ang ref ko? Pero 'di ko na iyon isinantinig dahil bigla akong nahiya. Siya pa talaga ang nagluto sa akin pero sinipa ko lang kanina. Nakokonsensiya na tuloy ako.

"S-sumabay kana sa akin," Saad ko. Natigilan naman ito at biglang namang nagningning ang mukha nito sa narinig. Sumunod na rin siya sa akin sa kusina.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Minsan, nagtatanong siya kaya sumasagot naman ako pero tipid nga lang. Hindi ko pa lubusang kilala ang lalaking 'to kahit na pangalawang beses niya ng manatili dito sa apartment ko.

IKIGAI Series #1: EstrangheroWhere stories live. Discover now