Inis akong napabuga ng hangin sa kawalan habang nakatanaw sa view ng magandang city lights mula sa veranda ng apartment ko. Kakauwi ko lang at hindi nga ako nakakain sa fast food na yun kaya nag take out na lang ako. Bigla akong nawalan ng gana nang makapasok ako kaya napagdesisyunan kong para hindi masayang ang pagkain ay inuwi ko na lang.
"What have you done, Eli?!" Ani ko sa sarili ko at naiiling. Itinukod ko ang nga braso ko sa railings at napabuntong hiningang nakapangalumbaba.
But the way he acted earlier made me realize how things took back at me. Hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko ngayon sa mga isiping hindi dapat magkatotoo. I don't know why he acted that much dahil hindi naman yun big deal para sa aming dalawa. We're not gays anyway. Unless...
Gulat kong nailagay ang kamay ko sa bibig nang mayroong nahinuha. Matagal ko naman na itong nahahalata pa pero baka guni-guni ko lang 'yon. Pero this... na uh!
It's just a plus points sa mga confirmation ko if he's really gay. But the way he move is contradictory to that idea. Well, mayroon namang mga discreet diyan o yung mga hindi pa kayang lumabas sa public to show their true identity. There are also gays na lalaki pa rin manamit. We are just inured sa mga most gays na nakikita natin.
I knew all of these stuffs because of Joshua, he teached me a lesson when I used to tease our gay classmate back when we are in junior high. Yes, I'm homophobic back then pero natuto na ako. I just can't stand to see a gay person lalong lalo na iyong mga nagpapakita ng motibong may gusto sa akin. And I can't also stop comparing some of them sa mga baklang nakikita ko sa kalsada na nagmamakaawa pa sa mga lalaking gusto nilang akitin para lang mapagbigyan ang kalandian nila. But now, I've realized that they are not all the same. Sadyang makitid lang talaga ang utak ko noon kaya nage-generalized ko ang isang bagay.
Now let's get back to that man. May mga ilang clue na ako bago ko mapagtanto na bakla nga siya kahit na hindi niya sabihin. Pero kung totoo, bakit naman siya naaapektuhan sa mga pinagagawa ko. Hindi rin ako manhid para hindi mare-realize ang pakikitungo niya sa akin. Naniniwala akong hindi lang iyon kilos ng isang kaibigan o kakilala mo dahil alam ko sa sarili kong ganoon din ang ginagawa ko kay Reize dati.
Nayayamot kong ginulo ang aking buhok dahil sa tuluyan na talaga akong nilalamon ng pagkalito at kuryosidad. Ayokong mag assume na may gusto ang lalaking yun sa akin. I know he's straight at mali lang ako ng nahihinuha. I may be just misinterpreted all of his actions kaya ganoon.
'Sige, i-gaslight mo pa ang sarili mo!'
Kung pwede lang sigurong pumasok sa isip ko ay matagal ko ng pinatay ang second thought ko. Magpapa check up nalang ako next week dahil baka may mental issues na akong nararamdaman, mahirap na.
Hindi na ako nagtagal pa sa labas dahil nilalamig na rin ako. Sinipat ko ang relo na suot ko upang tingnan kung anong oras na. Nasa 8:30 pa naman ng gabi pero mamayang 9:30 ay dapat nakatulog na ako dahil pinapauwi ako ni mommy sa amin for our dinner. Gabi pa naman yun pero gusto niyang umaga ako uuwi para matagal ang pananatili ko roon. It's okay for me tho since minsan nalang din ako nakakauwi sa amin due to my busy schedule lalo na ngayong graduating na ako sa Senior High School.
Nang makapaghanda na sa pagtulog ay agad akong napasalampak sa kama dahil sa pagod. Bigla akong nakaramdam ng pangangalay ng paa at alam kong dahil ito sa paglilibot namin ni Kiernan sa mall.
I grab my phone beside me at chineck kung may message ba mula sa kaniya ngunit agad akong nakaramdam ng pagkadismaya nang makitang wala. Naglaro na lang ako ng Block Blast pampaantok na naging effective naman.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para gumawi sa gym. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag workout dahil sa mga tambak na mga school works. Pero kahit na nag gy-gym, naiinis pa rin ako sa katawan ko dahil hindi man lang nagkaka muscle. Yung tiyan ko naman, may mga baby abs na patubo pa lang pero 'di gaanong halata, kumbaga slim lang ang tiyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/278925488-288-k337328.jpg)
YOU ARE READING
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance-BL Story- Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy hair that's alwa...