4

119 1 0
                                    

"Photo booth agad tayo ha," wala na akong magawa nang tuluyan na kaming hinila ni Ivelle. Sunod lang kami ng sunod ni Joshua sa kaniya.

Lumapit sa amin ang babaeng organizer ng booth na estudyante rin. "Hi po ate, Kuya. P150 for 3 persons lang po."

Kinuha ko naman ang wallet ko tiyaka binigay sa kaniya. Rinig ko pang tumili ang iilan sa mga kasamay niyang mga babae. Napailing na lang ako at ngumiti.

"I-i'll just get your change lang po." anito at umalis na sa harapan ko.

"Omg, libre mo. Nakakahiya." Ivelle said na tila ba proud na proud sa ginawa ko. 

"Ikaw pa nahiya ha," Tumaas lang ang kilay nito at hindi na pinansin.

Maya maya pinapasok na kaming tatlo sa loob ng booth. We took several poses at hindi ko na ata mabilang kung ilan dahil sa pagka overhyped ni Ivelle while Joshua, on the other hand is just following what this girl is saying.

After the photo booth, we decided na tumungo sa food court which is may mga iba't ibang stall na nakapuwesto built by each grade level. May mga malalaking tent din bilang pananggala sa init.

It's currently 3:30 pm yet the panahon is so makulimlim. Nagiging conyo na rin ang pananalita ko. Mukhang uulan pero mukhang hindi. Hindi ko maintindihan ang panahon.

"Dahil mabait ako, me muna manglilibre." boluntaryo ni Ivelle na agad namang tinutulan ni Joshua.

"No, ako na. Let's celebrate Elio's win." Anito causing Iv to raise her hands na parang sumusuko.

"Okay sabi mo eh," Tumawa lang ako sa tinuran niya. Tumungo naman si Joshua sa isang booth para bumili ng mga kakainin namin.

"By the way, nakita ko kanina si Reize mo. May kasamang lalaki, mukhang close sila." Nakataas na kilay na saad niya. Tumingin naman ako sa kaniya causing my mouth to shut. I felt my jaw tightened dahil sa panimulang topic niya. Now, I know 'san na 'to patungo.

"Maybe they just knew each other?" But she just rolled her eyes at suminghal.

"Knew each other my ass eh ang laki-laki ng ngiti nun kanina sa lalake eh, parang iba. Jusko, gwapo pa naman yung guy." Masama ko naman siyang tiningnan, raising my brows.

"Pwede ba, do not put any malice sa kanila. Isa pa, Reize is loyal to me. I know she loves me, she's just taking her time." Naiiling lang siya na tila hindi sumasang-ayon sa nasabi ko.

"Naku, 'pag ikaw nasaktan talaga sa mga assumptions mo kahit wala namang assurance, bahala ka. Nagiging delusional ka na niyan eh." Magsasalita pa sana ako nang dumating na si Joshua bitbit ang tray na may mga nakapatong na drinks and foods.

We thank him first bago unang nilantakan ni Ivelle ang buns na may huge and long hotdogs with some vegetables in it and a lot of sauce. Patay gutom talaga.

Pero habang kumakain ay biglang naging okupado ang isip ko nang dahil sa mga sinabi ni Ivelle kanina. Right, I didn't receive such any assurance coming personally from her. I'm just assuming things and basing it in actions. Mas pinapaniwala ko pa ang sarili ko sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Putcha, nag STEM nga ako pero bobo naman ako pagdating sa mga ganito.

Pero 'di ako nagpatinang. Bahala na. Basta mamayang gabi ay malalaman ko na ang mga kasagutan sa lahat. If ever na she will say 'yes' to me, hopefully, I will continue to courting in loving her. But when she will say opposite, then I will set her free na. Kahit na masakit, I will just continue my life but without her.

"We will be having a dinner date together later and finally ask her to date me." Nanlaki naman ang mga mata ni Ivelle nang mabaling sa akin. Madali nitong nginuya ang pagkain sa bunganga at dali-daling uminom ng tubig.

IKIGAI Series #1: EstrangheroWhere stories live. Discover now