9

114 1 0
                                    

"Get it line everybody! Boys in the left and in the right side is girls. Please be friendly to each and everyone, okay?"

"Yes, Sir!" Sabay-sabay na saad naming lahat. We are at the schools pool kasama ng HUMSS, section nila Reize to have a swimming class. Ang iba sa mga kaklase ko ay mayroong mga kakilala sa kabilang section habang ako naman ay tanging si Reize lang.

Nag warm up muna kami bago magsimula. Well, hindi naman ako kinakabahan because I already knew how to swim. Maliban na lang kay Ivelle na ngayon ay hindi na maipina ang mukha. Natatawa tuloy akong napapatingin sa kaniya but she just keep rolling her eyes to me.

Pagkatapos ng warm up ay pinabihis na kami ng swimwear. Kaagad na nagsigawan ang mga girls na agad namang sinita ni Sir.

"Omg, ang daming pandesal!"

"Ang gwapo ni Elio."

"Ang cute ng katawan ni Elio."

"Gawa ata sa bond paper teh, sobrang puti!"

Napailing na lang ako at isinuot na ang rush guard pati na rin ang swimming cap, sinunod ko na rin ang goggles. Pumwesto na rin ako sa waiting area habang hinihintay na matapos ang performance ng iba. Naiilang na ako sa mga tingin hindi ng mga babae kundi ng mga lalaking grabe kung makatitig sa katawan ko. May muscle naman ako ah, may abs din kaso 'di lang halata. I guess, they are probably right, ang liit nga ng pangangatawan ko kumpara sa ibang mga kaklase naming mga lalaki. Lagyan mo nalang ng boobs at magiging babae na ako. Agad ko namang winaksi ang isiping iyon.

Umabot kami ng mahigit dalawang oras sa pool area dahil sa limang strokes na ginawa namin. It was an easy for me tho at kahit na ganito ang katawan ko ay hindi maipagkakailang I am a good swimmer. Hindi ko nga rin alam kong matatawa ako o maaawa kay Ivelle while it's her turn to swim. Hindi ko alam kung ilang beses na itong muntik malunod kahit na may floater naman siyang hawak.

"Grabeng mga near death experiences yun, ang dami." Naiiyak na lintanya niya habang hinihintay namin si Joshua na magbihis.

"That's why you really need to learn. Pwede nga kitang turuan if you want." Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Wag na, baka lunurin mo lang ako, Pshh!" Pagtanggi niya sa offer ko. Natawa naman ako. Ang sarap talaga niyang asarin.

"Huy, by the way, where's my Durian na?" Asik niya. Napataas naman ang kilay ko at tinuro ang bag kong nakalagay sa gilid niya.

"There, buksan mo lang and don't even dare bring that near to Josh. Sisipain ka talaga nun." Babala ko sa kaniya. Maarte pa naman ang isang 'yun at konting amoy lang na sa palagay niya ay mabaho ay maduduwal na.

"Oo na, oo na." aniya at nilagay sa bag niya ang tupperware na pinaglagyan ko ng Durian. Hindi naman na ito umalingasaw dahil silyado ko ng maayos ang pagkakatakip nun.

Ilang minuto lang din ang makalipas when Joshua finally arrived at nakapagbihis na ng school uniform. We still have a class later in the afternoon. Nakapagbihis na rin kami ni Ivelle, sadyang nahuli lang si Joshua.

"Let's go?" Anito nang makarating. Tumango naman ako tsaka kinuha ang bag at sinukbit iyon sa balikat.

Since it's already 12 pm ay nagtungo na kami sa cafeteria to eat our lunch. Pagkarating ay as usual, kumpulan na naman ang mga estudyante.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKIGAI Series #1: EstrangheroWhere stories live. Discover now